Super Tekla inireklamo ng live-in partner: 'no sex, no sustento' Bandera

Super Tekla inireklamo ng live-in partner: ‘no sex, no sustento’

Ervin Santiago |October 21,2020
share this

Super Tekla inireklamo ng live-in partner: ‘no sex, no sustento’

Ervin Santiago October 21, 2020 - 09:58 AM

NASA gitna na naman ng kontrobersya ngayon ang TV host-comedian na si Super Tekla matapos ireklamo ng nagpakilalang live in partner niya.

Nagpa-interview si Michelle Lhor Bana-ag sa programa ni Raffy Tulfo kahapon para isumbong ang mga pinaggagawa umano sa kanya ni Romeo Librada o mas kilala nga bilang si Tekla.

Inakusahan nito ang komedyante ng pang-aabuso at pagpapabaya sa kanya at sa kanilang anak. Pinipilit din daw siya nitong makipag-sex kahit masama ang pakiramdam niya.

“Masama po ang pakiramdam ko. Kada hapon po nilalagnat ako. Sumasama po ang pakiramdam ko. Ang bigat po ng ulo ko.

“Hindi n’ya po maintindihan. Hindi n’ya po marespeto ‘yong ganu’ng ano ko po (kundisyon),” sabi pa ng nagrereklamong babae.

Patuloy pa niya, “Kasi pina-injection-an n’ya po ako ng family planning kasi hindi n’ya po mapigilan ang sarili n’ya. Gusto n’ya po ako galawin, para daw po safety.

“Ngayon po, ang epekto, sumama po pakiramdam ko. Nilalagnat po ako kapag hapon. Pero gusto n’ya pa rin pong ganu’n, gawin po ‘yong ganu’n,” lahad pa ni Michelle.

At kapag umaayaw daw siya sa kagustuhan ni Tekla, hindi raw siya bibigyan ng perang panggastos, pati na raw ang pambili ng pagkain para sa kanilang anak.

“Mumurahin n’ya po ako. Hindi na po s’ya kikibo. Hindi po s’ya bibili ng pagkain kahit nagugutom na ‘yong mga pamangkin ko na nandito,” ang umiiyak nang pahayag ng partner ni Tekla.

“Nagmamakaawa na ako sa kanya bumili na s’ya ng pagkain. Tapos, sasabihin n’ya, ‘A, bakit? Di ba ayaw mo?’ Ganito, ganyan. Tapos aalis s’ya.

Pupunta po s’ya kay Donita Nose. Magba-vlog po sila. O kaya magla-live,” sumbong pa niya.

“Minsan po isang beses, katabi ko ‘yong pamangkin ko naglalaro sa cellphone. Naawa po ako. Nagtakip na lang po s’ya ng kumot. Wala po ako magawa, e. Kailangan po magpadala sa mga pamangkin ko. Kahit po masama ang pakiramdam ko,” sey pa ni Michelle.

Naikuwento rin niya ang ginawa umano ng komedyante habang kalong niya ang apat na buwang anak, “Hawak po ang anak ko, natutulog sa dibdib ko, kukunin po n’ya. Tapos (magsasarili) na lang po s’ya.

“Tapos may time po na hawak ko ‘yong anak ko, pinapadede ko, dumikit po s’ya tapos hinawakan n’ya po ‘yong maselang parte ng katawan ko,” aniya pa.

May isa pang eksenang ibinahagi si Michelle na talagang ikina-shock ng mga nanonood sa kanya. Sinadya na naming hindi ito banggitin dito dahil masyado nang maselan at mahalay dahil pati ang sanggol nilang anak ay nadamay na.

Samantala, dinenay naman ni Michelle na may bisyo pa rin si Tekla, “Wala po. Wala na po. Huminto po s’ya last year.”

Ayon sa programang naka-interview kay Michelle, sinubukan nilang kontakin ang kampo ni Tekla para sagutin ang mga akusasyon ng ka-live-in pero may  taping daw ito.

Bukas ang BANDERA para sa paliwanag at magiging depensa ni Tekla sa isyung ito. Agad naming ilalabas ang kanyang official statement sa ngalan ng pagiging balanse at patas.

Hinihintay din natin ang pahayag ng GMA management, kung saan nakakontrata ngayon si Tekla, tungkol sa isyung ito. Kaya hangga’t maaari ay huwag muna nating husgahan ang komedyante, kailangang marinig natin ang dalawang panig para mas malinaw ang kuwento.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending