Ngayon ko lang na-experience how to handle my own finances

By Ervin Santiago October 18,2020
share this

Ngayon ko lang na-experience how to handle my own finances

By Ervin Santiago October 18,2020 - 09:41 AM

MAKALIPAS ang napakahabang panahon, ngayon lang naranasan ni Sarah Geronimo na mag-budget ng sarili niyang pera.

Sa loob ng 20 taon sa mundo ng showbiz, unti-unti na rin niyang natututunan ang tamang paghawak, paggastos at pagse-save ng kanyang mga kinikita.

Simula nang maging singer at artista si Sarah, ang nanay niyang si Divine Geronimo na ang humawak ng lahat ng kinikinita niya. Kaya talagang bagung-bago sa kanya ang mag-handle ng sarili niyang finances.

Inamin ng Popstar Royalty na pagkatapos ng kasal nila ni Matteo Guidicelli last February, ang feeling niya ay napabilis ang kanyang pagtanda dahil sa dami ng kailangan niyang matutunan ngayong may asawa na siya.

“To be honest, na-expedite ‘yung adulting ko. Ngayon ko lang na-experience how to handle my own finances, how to budget, how to invest,” pahayag ni Sarah sa isang panayam.

Sa kabila ng mga nangyaring hindi maganda sa pagitan nila ni Mommy Divine, abot-langit pa rin ang pasasalamat ng singer-actress sa ina sa lahat ng ginawa nito para sa kanilang pamilya.

“Ang mama ko po talaga kung kaya niya gawin lahat, gagawin niya para sa mga anak niya, para lang hindi maistorbo ang mga anak niya. Ganu’n siya ka-loving sa mga anak niya, so ngayon natututunan ko na lahat, with the help of my husband.

“I grew up na very dependent talaga sa aking parents, kasi talagang grabe naman talaga mag-alaga ang aking mama and daddy.

“I keep reminding myself now na hindi na ako single. I have to accept na hindi na ako single,” lahad ni Sarah.

Patuloy pa niyang pahayag sa nasabing panayam, “Iba na ang priority ko sa buhay, my priority now is my husband kasi yun ang reality ng buhay ng pag-aasawa, na ang priority na is your husband and the family that you will be building with your husband.”

Hanggang ngayon ay walang balita kung nagkaayos na sina Sarah at Mommy Divine matapos ngang sumabog noon ang balita na sumugod umano ito sa kasal ng anak at ni Matteo para tumutol.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending