Paolo may 'agimat' kaya love na love ng mga katrabaho; Glaiza gagawa ng pelikula sa Canada | Bandera

Paolo may ‘agimat’ kaya love na love ng mga katrabaho; Glaiza gagawa ng pelikula sa Canada

Ervin Santiago - October 08, 2020 - 09:32 AM

SWEET at maalalahanin si Paolo Contis sa mga nakakatrabaho niya kaya gustung-gusto siya ng mga kapwa Kapuso stars.

Yan ang itinuturing na agimat ni Paolo sa showbiz kaya patuloy ang pagdating ng blessings sa kanya.

Todo papuri nga sa kanya ang mga co-stars niya sa Kapuso mini-series na “I Can See You: The Promise” dahil kuyang-kuya raw ito sa kabuuan ng kanilang taping.

Sa panayam sa cast members ng “The Promise” naikuwento ni Yasmien Kurdi na magaan katrabaho si Paolo kaya sana’y mabigyan uli siya ng pagkakataon na makasama ang host-actor.

Ani Yasmien, “Si Kuya Pao, sobrang gaan katrabaho dahil pinapa-lighten niya ‘yung mood ng lahat ng tao sa set including ‘yung production staff.”

Ibinuking naman ni Andrea Torres na lagi raw may baon sa set si Paolo para sa kanilang lahat, “Tsaka maraming dalang pagkain ‘yan! Kaya lagi kaming busog.”

Natatawang reaksyon naman ni Paolo, “Totoo, bilang kuya ng lahat. Kasi naranasan ko ‘yun dati, ‘yung mga kuya ko sa set, most of the time they take it upon themselves to lead the set kaya masaya lahat.

“Ngayon na ako na ‘yung kuya nila, ganun din. May food ako and I check in on everyone kapag pwede,” lahad pa ng partner in life ni LJ Reyes.

Mapapanood ang “I Can See You: The Promise” tuwing 9:15 p.m. hanggang Oct. 9 sa GMA Telebabad. Kaya huwag na huwag palalampasin ang huling dalawang gabi nito dahil marami pang twist at rebelasyon ang kuwento.

* * *

Bibida si Glaiza de Castro sa isang bonggang movie na kukunan pa sa Canada sa 2021.

Mismong ang Canadian Film Society pa ang kumuha sa Kapuso actress para sa pelikula.

Ayon sa report ng GMA, ito’y joint project ng mga Canadian at mga Filipino s Canada na ididirek ni Filbert Wong.

“Medyo may pagka-Breaking Bad ang kuwento nito,” ani Glaiza na ang tinutukoy ay ang sikat na American crime drama series.

Kuwento pa ng dalaga, baka raw bisitahin siya ng boyfriend niyang foreigner na si David Rainey sa Canada kapag nag-shooting na siya.

“Nu’ng teenager niya ‘yun ‘yung first big trip niya ever, sa Canada siya pumunta doon at ilang months nandu’n siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So nu’ng sinabi ko na ‘I may do a project there,’ sabi niya ‘I might visit you.’ Pero hindi pa sigurado, sana talaga matuloy,” chika ng award-winning actress.

Napapanood pa rin si Glaiza ngayon sa rerun ng “Encantadia” sa GMA Telebabad at sa pagbabalik ng “Temptation of Wife” bago mag-Eat Bulaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending