Maymay sa tunay na Prince Charming: May paninindigan sa sinasabi at nararamdaman niya para sa 'yo | Bandera

Maymay sa tunay na Prince Charming: May paninindigan sa sinasabi at nararamdaman niya para sa ‘yo

Ervin Santiago |October 07,2020
facebook
share this

Maymay sa tunay na Prince Charming: May paninindigan sa sinasabi at nararamdaman niya para sa ‘yo

Ervin Santiago - October 07, 2020 - 09:31 AM

ANO nga ba ang mga katangiang hinahanap ni Maymay Entrata sa isang “Prince Charming”?

Simple lang pero mahirap panindigan ang quality na gusto ng Kapamilya young actress sa lalaking maaaring maging Prince Charming niya in the future.

“Kasi nakasanayan natin noong bata tayo na ang prince charming kapag hindi ka okay or mahihimatay ka, eh. Nandiyan na, to the rescue na siya at hahalikan ka na lang.

“Pero sa totoong buhay madi-describe ko ang prince charming na consistent,” ang hugot ni Maymay sa nakaraang episode ng  “Magandang Buhay” na napapanood pa rin sa Kapamilya Channel.

“Consistent at may paninindigan sa kung ano ang sinasabi niya or nararamdaman niya para sa iyo,” ang hirit pa ng dalaga.

Tungkol naman sa estado ng puso niya ngayon, natanong ang PBB Lucky Season 7 big winner kung naka-lockdown pa rin ba ito ngayon pagdating sa pag-ibig.

Tugon ni Maymay, “Ang puso ko ay kontento at masaya. Kasi hindi ibig sabihin na wala kang jowa ay hindi ka masaya.”

“Kasi marami namang tao like kaibigan mo, pamilya mo (ang pwedeng paghugutan ng kasiyahan) at hindi lang sa jowa,” diin pa ng dalaga kasabay ng pagsasabing bata pa siya at marami pang oras para sa lovelife.

Isa pa sa tinanong sa kanya ay kung paano niya napaninindigan ang pananaw niya pagdating sa issue ng pag-ibig, pahayag ni Maymay, “Sa experience po natin sa failures natin.

“May nagtanong nga po sa akin, kung may babalikan ako, ano ang babaguhin ko? Sabi ko wala akong babaguhin.

“Kasi hindi ka magiging sino ngayon at kung paano ka ngayon mag-isip bilang isang mature at better woman kung hindi dahil sa na-experience niyo po, masasakit na experience, mga pagsubok na akala mo walang solusyon,” lahad pa ng ka-loveteam ni Edward Barber.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kamakailan lang ay masayang ibinalita ni Edward na muli silamg magsasama ni Maymay sa isang pelikula kaya naman na-excite nang bonggang-bongga ang MayWard fans.

Ang huli pang pelikula ng Kapamilya loveteam ay ang 2018 Metro Manila Film Festival entry na “Fantastica” na pinagbidahan ni Vice Ganda habang sa TV naman, last silang napanood sa weekly series na “Hiwaga ng Kambat.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending