Anak ni Aga biktima ng 'sindikato' sa socmed; Charlene humingi ng tulong sa netizens | Bandera

Anak ni Aga biktima ng ‘sindikato’ sa socmed; Charlene humingi ng tulong sa netizens

Ervin Santiago - October 02, 2020 - 09:32 AM

NABIKTIMA ng sindikato sa social media ang anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales na si Atasha Muhlach.

Ibinalita ng dating beauty queen-actress sa madlang pipol na na-hack ang Instagram account ng isa sa kambal nila ni Aga.

Sa pamamagitan ng kanyang official Instagram page, ipinost ni Charlene ang screenshot ng IG account ni Atasha na may nakasulat na “HACKED!!!”

“My daughter’s Instagram account was hacked @atashamuhlach_. Please know if someone does something on her behalf, it is not her,” ang caption ni Charlene sa kanyang IG post.

“Also, any leads on how to report this? Please help me report this account. Appreciate your help and kindness. Thank you,” dugtong pa niyang pakiusap sa kanyang followers.

Sa comments section ng IG post ni Charlene nagpasalamat si Atasha sa mga tumulong sa kanya na i-report ang na-hack na account.

“Thank you everyone for all the help and support,” mensahe ng dalaga nina Charlene at Aga na nagbukas agad ng bagong Instagram page, ang @atasha.muhlach.

Samantala, speaking of Aga, excited na ang kanyang fans na muli siyang mapanood sa TV bilang isa sa mga judge ng talent show na “Masked Singer Pilipinas”.

Mapapanood na ito very soon sa TV5 to be hosted by Billy Crawford. Makakasama ni Aga sa Philippine franchise ng “Masked Singer” bilang judges sina Cristine Reyes, Kim Molina at Matteo Guidicelli.

Sa “MSP”, maglalaban-laban sa pagkanta ang mga kasaling mystery celebrity contestants na nakasuot ng costume.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi makikita ang kanilang mukha habang nagpe-perform kaya huhulaan ng mga hurado kung sino sa tingin nila ang nasa stage base sa boses at performance ng mga ito at sa ilang clues na ibibigay ng programa.

Magkakaroon ng tanggalan every week at kung sino ang matsutsugi, aalisin niya ang kanyang mask sa harap ng judges at audience. Ang contestant na hindi matatanggal hanggang sa dulo ng labanan ang siyang tatanghaling Masked Singer champion.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending