Bea matagal na raw karelasyon si Dominic Roque, pero bakit ayaw pang umamin? | Bandera

Bea matagal na raw karelasyon si Dominic Roque, pero bakit ayaw pang umamin?

Reggee Bonoan - September 27, 2020 - 10:39 AM

HINDI pa rin mamatay-matay ang chika na magkarelasyon na ngayon sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Sa katunayan, may mga netizens ang nagsasabi na matagal nang sinagot ng aktres ang hunk actor pero hindi pa lang sila diretsahang umaamin sa publiko.

Kung totoo nga ito, bakit kaya hindi pa rin maamin-amin ni Bea? Bakit itinatago pa rin niya na may bago nang nagpapasaya sa kanya ngayon?

O, baka naman nasa getting to know each other stage pa lang sila kaya ayaw pa niyang ibandera ang tungkol sa kanila ni Dominic na kasama pa umano niyang nagbakasyon sa Amanpulo ilang buwan na ang nakararaan.

Pero kabaligtaran naman niya ang binata na very open si Dom na ipakita sa dalaga ang kanyang concern niya at pagmamahal. Pansin namin ito dahil halos lahat ng komento niya sa post ni Bea ay laging may heart emoji.

Tulad nitong latest na sabi ng aktres na magiging aktibo na siya sa uli sa pagba-vlog at may pa-house tour pa siya ngayon.

Ipinost ng aktres ang art card na may mukha niya at may nakalagay na “new video up soon 09.26.20.  Subscribe and Follow YouTube at Facebook.

“Made videos for you! Vlogs will be out soon on my Official YouTube channel and Facebook page. Stay tuned. #ByBea.”

“Can’t wait (heart emoji),” ang agad namang komento ni Dominic.

Kinilig naman ang mga nakabasa ng komento ng binata kaya naman sunud-sunod ang panunukso sa kanila ng netizens. Dito na nga ibinuking ng kanilang followers na matagal na silang may relasyon.

Ayon kay, @boa_101787, “Finally after 8months (3 hearts emoji).”

Hirit ni @hermiemariano, “@dominicroque can’t wait to see both of you in love together. Bagay po kayo at ang ganda ng chemistry niyo.”

Say naman ni @beadom_isreal, “@dominicroque aww! supportive boyfriend as always. Super lucky talaga ni @beaalonzo sa’yo. I’m sure tumulong ka rin para mas mapaganda ‘yung pic also pag-edit ng blog ni @beaalonzo sana one day collab or mag-guest ka sa blog ni @beaalonzo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dapat daw ibandera na ng aktor sa buong mundo ang nararamdaman niya para kay Bea sabi ni @charitymumbua, “@dominicroque come clean about your feelings to bea, are you dating?”

Samantala, may tsikang kaya tumanggi si Bea sa serye nila ni Richard Gutierrez ay dahil mas pinili nitong bigyan ng sapat na panahon ang pagba-vlog katuwang ang rumored boyfriend na si Dominique.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending