Fans nina Alden at Jasmine abangers na sa Love On The Balcony; todo-ingat sa taping | Bandera

Fans nina Alden at Jasmine abangers na sa Love On The Balcony; todo-ingat sa taping

Ervin Santiago - September 25, 2020 - 09:44 AM


NGAYON pa lang ay abangers na ang fans nina Alden Richards at Jasmine Curtis sa pagsisimula ng “Love On The Balcony.”

Ito ang unang handog ng Kapuso mini-series na “I Can See You” na mapapanood na simula sa Lunes (Sept. 28) sa GMA Telebabad.

Inamin ng Asia’s Multimedia Star na talagang nanibago siya sa muling pagsabak sa taping at unang acting project pa niya matapos ang ilang buwang community quarantine.

Sa panayam ng GMA kamakailan, naikuwento ng Pambansang Bae kung gaano kahigpit ang health at safety protocols na ipinatupad sa location ng kanilang episode.

“First project shoot ko ‘yun since March. So, sobrang iba talaga na hindi nga lang cut in half ‘yung workforce, e, more than pa.

“’Yung mga preparation prior to tapings nag-iba rin. Swab testing, tapos health monitoring. On the set, health monitoring pa rin. After nu’ng taping namin, ‘yung last day, nag-antigen swab kami.

“’Tapos lahat hindi ko nakita ‘yung mukha. Lahat naka-mask, lahat naka-face shield. So, new environment,” lahad ng binata.

Ilang fans naman ang nagsabing excited na silang mapanood uli si Alden sa isang serye at nangakong aabangan nila ang pagsisimula ng bagong show nila ni Jasmine.

Ang tanong naman ng ilang netizens, magkaroon din kaya ng kissing scene ang dalawa sa nasabing mini-series? Yan ang aabangan natin.

Samantala, ibinahagi naman ng mga kasamahan ni Alden sa “I Can See You: Love On The Balcony” ang “pinakabaliw” na bagay na nagawa nila sa larangan ng pag-ibig.

Pag-amin ng first time dad na si Pancho Magno, wala pa naman daw siyang maituturing na “pinakabaliw” na nagawa para sa asawang si Max Collins.

“Wala naman akong crazy na ginawa para sa loved one ko. Siguro, crazy in love lang talaga ako sa kanya,” aniya.

Diretsahan namang ibinunyag ni Jasmine na talagang naglipat siya ng bahay para sa kanyang minamahal.

Ayon naman kay Denise Barbacena, may ideya raw siya sa kung anong gawain ang makokonsiderang “baliw” para lang sa pag-ibig.

“Not actually something I did but I think the craziest thing you can do is to lose yourself in the process of loving someone,” pahayag ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “I Can See You: Love On The Balcony” simula ngayong Lunes sa GMA Telebabad. Ang tatlo pang episode na dapat abangan sa bagong mini-series ng GMA ay ang “High Rise Lovers,” “The Promise,” at “Truly. Madly. Deadly.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending