Ako po'y tunay na Kapamilya forever...yung iba hindi naman pala | Bandera

Ako po’y tunay na Kapamilya forever…yung iba hindi naman pala

Ervin Santiago - September 24, 2020 - 12:06 PM

BATO-BATO sa langit, ang tamaan — guilty!

Hindi man pinangalanam ni Kabayan Noli de Castro ang mga personalidad na umalis sa ABS-CBN at lumipat sa ibang network, mukhang para sa kanila ang hugot ng veteran broadcaster.

Siniguro ni Kabayan na hinding-hindi niya iiwan ang ABS-CBN kahit ano pa ang mangyari. Aniya, mananatili siyang Kapamilya…forever.

Isang listener kasi ang nagpadala ng mensahe sa beteranong news anchor sa programa nito sa radyo na sana’y huwag niyang iiwan ang kanyang mother network.

“Nagsimula ako dito nang magsimula ang ABS-CBN after ng martial law.

“Oh, martial law na naman at nandito pa rin ako. Ay, hindi pala. Ipinasara na kami. Nandito pa kami, another martial law,” ang birong pahayag ni Kabayan.

Bukod dito, siguradong tinamaan ang mga dating kasamahan ni Noli sa ABS-CBN na naglayasan na para magtrabaho sa ibang istasyon.

Ito’y dahil na rin sa tuluyang pagpapasara ng Kongreso sa network matapos pagkaitan ng bagong prangkisa.

“Hay naku! Totoo ang sinasabi ko, kaya Kapamilya forever. Yung iba, e, nagsasabi (Kapamilya forever), hindi naman pala forever. Wala naman forever kasi,” ang pahayag pa ni Noli.

Ilan sa mga Kapamilyang tuluyan nang lumayas sa ABS-CBN ay sina Ted Failon, Gerry Baja, Anthony Taberna at iba pa. Balitang magkakaroon na rin ng programa sa TV5 sina Piolo Pascual, Catriona Gray, Billy Crawford, Luis Manzano, Maja Salvador at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending