Maureen Larrazabal naka-survive sa killer virus: I’m finally COVID free!
MASAYANG ibinalita ng Kapuso comedienne na si Maureen Larrazabal na nagtagumpay siya sa paglaban sa COVID-19.
Ayon sa aktres, natanggap na niya ang resulta ng huli niyang swab test, ang negative na nga siya sa coronavirus.
Ibinahagi ni Maureen sa kanyang Instagram account ang good news, “After being tested positive…I’m finally covid free split na kaPepimi ni covid #blessedbeyondmeasure #2monthsbattle #Grateful #GODISGREAT.”
Kuwento ng komedyana, una niyang nalaman na tinamaan siya ng COVID-19 matapos magpa-swab test sa GMA Network.
Aniya, bago pa man siya magpa-test last August ay nakumpleto pa niya ang tatlong linggong self-isolation matapos makaramdam ng symptoms.
At sa lahat ng pinagdaanan niya ay talagang laging nakaalalay at nakasuporta ang mga kasamahan niya sa “Pepito Manaloto” lalo na ang pamilya ni Michael V.
Sa isang panayam, napaiyak pa si Maureen habang ikinukuwento ang naging karanasan niya sa paglaban sa virus at kung paano ipinadama ng mga katrabaho niya sa Kapuso sitcom na hindi siya nag-iisa.
“Ito ‘yung last taping ko with Pepito na naka-quarantine ako at naka-isolate, because I’m COVID positive.
“Very grateful kasi ang pagkatao ko, sa totoo lang, and this time mas naramdaman ko ‘yung pasasalamat ko sa show, pasasalamat ko sa lahat.
“’Cause kahit mayroon akong sakit, hindi nila ako binitawan. Sama-sama kami all together, pinag-taping pa rin nila ako. I’m working from home, tinuruan nila ako how’s it done,” pahayag ni Maureen.
“Sinuportahan nila ako all the way na mararamdaman mo talaga na may puso talaga sila, hindi lang sila katrabaho. Mga Kapuso talaga. Yan, naiiyak ako,” ang emosyonal pang sabi ng komedyana.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.