Isko may 2 payo sa mga youngstar: Hindi lahat magiging Sharon Cuneta o FPJ, tandaan n’yo yan!
IBINAHAGI ni Manila Mayor Isko Moreno sa mga kabataang artista ngayon ang dalawang mahalagang aral ng buhay na natutunan niya kay German “Kuya Germs” Moreno.
Nagsilbing mentor at tatay-tatayan ni Isko ang yumaong TV host-talent manager noong sumabak siya sa showbiz — at aminado siya na kung nasaan man siya ngayon yan ay utang niya kay Kuya Germs.
Ayon sa alkalde, mahalagang matutunan ng mga kabataang artista ngayon ang pagiging professional sa trabaho at ang tamang pag-iipon habang marami pang proyekto.
“Kuya Germs taught me very well. Hindi baling ikaw ang naghihintay kaysa sa ikaw ang hinihintay. That’s the key. Sabi niya ‘yung professionalism,” ang pahayag ng actor-politician sa online show na “We Rise Together” kamakailan.
Patuloy na mensahe ni Mayor Isko, “Ang tendency kasi kung superstar naman hindi mo maiiwasan minsan masyado kang nawiwindang dala ng sigla, saya tagumpay but you have to focus. Showbiz is a career, treat it professionally. Sinasabi ‘yan ni Kuya Germs.”
Ipinagdiinan din niya na ang lahat ng bagay sa mundo ay may hangganan, “Katulad ng araw, sa pagsikat niya, may takdang paglubog, ‘yun tiyak din ‘yon.
“At the end of the day, may ipapanganak na guwapo, may ipapanganak na maganda, may ipapanganak na magaling kumanta, magaling umarte and so on and so forth. Be mindful of it.
“So, while on your career now, you have to save, Kuya Germs told me that. Kailangan mo mag-save. Don’t splurge ever. Buy things you appreciate,” sey pa ng alkalde ng Maynila.
Payo pa niya sa mga youngstar ngayon, “If a particular thing makes you happy, you deserve it. But don’t overdo it. You have to save for the rainy days.
“You have to save for your future, because your future is short-lived in showbiz industry. Remember this, short-lived.
“Not everybody will be Sharon Cuneta, not everybody will be Fernando Poe Jr.. Not everybody will stay there longer. Tandaan niyo ‘yan, hindi lahat,” diin pa niya.
Sa panghuli niyang mesahe, “Pagdating ng pagtiklop ng araw, which is hindi ka na hihiyawan ng tao, meron ka pa ring fans, no question; it’s just that they have new preference, then you can still live a longer life, you can sustain your economic life.
“The tendency the longer you stay in showbiz without planning, without a fallback, by the time that you realize that you need a fallback, it might be too late for you,” lahad pa ni Yorme.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.