Piolo, Catriona, Alex, Billy, Dimples bibida sa mga bagong show ng TV5

Piolo, Catriona, Alex, Billy, Dimples bibida sa mga bagong show ng TV5

Ervin Santiago |September 14,2020
share this

Piolo, Catriona, Alex, Billy, Dimples bibida sa mga bagong show ng TV5

Ervin Santiago | September 14,2020 - 05:17 PM

MAPAPANOOD na rin sa TV5 ang mga Kapamilya stars na sina Piolo Pascual, Catriona Gray, Dimples Romana, Alex Gonzaga at marami pang iba.

Balitang nakakuha ang Brightlight Productions ng blocktime slots sa Kapatid Network para sa magiging programa sa istasyon ng mga nabanggit na Kapamilya stars.

Sa ulat ng ABS-CBN, kabilang nga sa ilulunsad na mga bagong show sa TV5 ang “Sunday Noontime Variety Show” nina Piolo at Catriona sa direksyon ni Johnny Manahan.

Si Mr. M din ang magpo-produce ng noontime show na “Laugh Out Loud” na pangungunahan nina Billy Crawford, Alex Gonzaga, K Brosas, at Wacky Kiray.

Bibida naman sa sitcom na “Oh My Dad” sina Ian Veneracion, Dimples Romana, Sue Ramirez, Ariel Urieta at Gloria Diaz. Isa pang show na may titulong “Sunday Kada Kada Sunday” ang ilo-launch very soon to be directed by Edgar Mortiz.

Sa bagong drama series naman na “I Got You” mapapanood sina Beauty Gonzales, RK Bagatsing at Yen Santos na ididirek ni Dan Villegas.

Balitang sa TV5 na rin mapapanood ang “Rated Korina” ni Korina Sanchez.

Kung matatandaan, nagsalita sa isang panayam si Johnny Manahan na gumagawa na ng paraan ang Star Magic para mabigyan ng trabaho ang kanilang mga talents.

“Our artists had already been exploring opportunities in digital space. With the rejection of the franchise, cable and cyberspace became the only venues for network content.

“Almost immediately, instantaneously, advertising revenues began to dry up, projects canceled, contracts suspended. And with that, we began to look elsewhere for opportunities for our artists. Talks are currently underway with contacts from Channel 5 (TV5) and Channel 7 (GMA 7),” pahayag ni Mr. M sa nasabing interview.

Wala pang official announcement ang TV5 tungkol dito kaya hintayin na lang natin ang susunod na kabanata. Pero kung magtutuluy-tuloy na nga ito, siguradong magiging malakas na ang laban ng TV5 sa ratings game.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending