SexBomb hahataw sa Christmas reunion; Therese Malvar nagtapos ng salutatorian sa senior high | Bandera

SexBomb hahataw sa Christmas reunion; Therese Malvar nagtapos ng salutatorian sa senior high

Ervin Santiago - September 11, 2020 - 12:36 PM

GOOD news para sa fans ng SexBomb Girls! May niluluto palang Christmas reunion ang grupo.

Ito ang masayang ibinalita ng Kapuso actress na si Rochelle Pangilinan sa kanyang guesting sa “Unang Hirit” kahapon.

Ayon sa aktres, pinaplano ng kanilang grupo na magkaroon ng cover ng isang Christmas song para sa kanilang supporters.

Samantala, ibinahagi rin ni Rochelle na enjoy siya sa bonding time kasama ang kanyang mag-ama na sina Arthur Solinap at Shiloh habang naka-quarantine sa bahay.
“Mas intimate kasi nakikita namin si Shiloh ‘yung paglaki niya, ‘yung everyday na nangyayari sa kanya. Nasusubaybayan namin,” say ng aktres.

* * *

Masaya ang award-winning Kapuso actress na si Therese Malvar dahil nakapagtapos siya ng senior high school with flying colors.

Salutatorian ng kanilang batch ang aktres na nagawang pagsabayin ang pag-aaral at pag-aartista.

Ibinahagi ni Therese na masaya pa rin siya kahit walang pormal na graduation ceremony siyang nadaluhan. Aniya, “This is what I want. I want to graduate on time.”

Sa kasalukuyan ay college freshman si Therese na kumukuha ng kursong AB Film.

“Gusto ko rin maging part ng pelikula behind the camera. I would also want to try that. I want to be a director or a cinematographer,” chika ng aktres.

Proud ding ibinalita ni Therese na napapanood sa Netflix ang pelikulang “Gasping For Air” na kinabibilangan niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sunod na mapapanood naman ang “Distance” kung saan nagwagi siya bilang Best Supporting Actress sa 2018 Cinemalaya Independent Film Festival.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending