Crissa may patama kay Andi Eigenmann: Sarap sabihin ng totoo

Crissa Liaging may patama kay Andi Eigenmann: Sarap sabihin ng totoo

Therese Arceo - June 13, 2024 - 06:11 PM

Crissa Liaging may patama kay Andi Eigenmann: Sarap sabihin ng totoo

USAP-USAPAN ngayon ng mga Marites sa social media ng makahulugang post ng social media personality na si Crissa Liaging na tila patama raw kina Andi Eigenmann at partner nitong si Philmar Alipayo.

Lumabas kasi ang naturang post matapos umere ang interview ng dating aktres at ng soon-to-be hubby nito sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong linggo.

“Nakaka gigil sarap sabihin yung totoo!!” caption ni Crissa sa kanyang post na tila punung-puno ng inis habang nakasakay sa loob ng kanyang sasakyan.

Agad nga itong nag-viral at ibinahagi na rin ng ilang netizens ang screenshot ng kanyang post sa iba’t-ibang social media platforms.

Baka Bet Mo: Philmar sa viral video nila ni Crissa: ‘It was edited to create an issue’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Matatandaang nag-viral kamakailan ang video ni Philmar kasama si Crissa kung saan naging masyadong malapit ang dalawa sa isa’t isa.

Mismong ang businesswoman at social media personality ang nag-upload nito sa kanyang TikTok account ngunit kalaunan ay binura rin niya ito.

Marami ang nainis kay Philmar sa video nila ni Crissa dahil aware naman ang madla sa relasyon nito kay Andi at naibalita rin na dapat ngayong taon ang kanilang kasal kung hindi lamang pumanaw ang ina ng dating aktres na si Jaclyn Jose.

Hindi rin kasi nagustuhan ng madla ang paglapit ng mukha ng partner ni Andi sa social media personality at tila pagtataas nito ng damit sa harap ng babae.

Ngunit nilinaw ni Philmar na wala silang ugnayan ni Crissa at walng malisya ang kanilang pag-uusap.

Maging ang businesseoamn ay nagsalita na rin at sinabing walang namamagitan sa kanila.

Inilahad naman ni Boy Abunda ang kanilang pag-uusap ni Philmar tungkol sa isyu kung saan inamin nito na nakainom siya ng alak ng mga panahon na yun.

What happened was, uminom si Philmar, had a friendly conversation with this girl on the video and that’s it, sabi ni Philmar at sabi ni Andi.

“Kaya nu’ng una nilang nakita ang video, nagtawanan lang sila ni Andi, but what bothered them, it was edited and uploaded to create an issue,” sabi pa ng King of Talk.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi naman ni Andi, ang nakaka-bother raw ay ang malamang in-edit ito sa ganoong paraan on purpose.

“That the person in the video (Crissa) was the one who posted it. That’s what bothered me because you just created something super unnecessary.

“In terms of what people think he’s doing or his intentions were, that doesn’t matter to him I guess because the only opinion that matters to him is mine. Hindi niya naman asawa ‘yong mga tao na iyan,” sey pa ni Andi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending