Kris pinagbawalang magtrabaho; ine-enjoy uli ang buhay-probinsya kasama ang 2 anak
KAYA pala deactivated ulit ang Instagram account ni Kris Aquino ay dahil gusto muna niyang ma-feel ang buhay-probinsya.
Ibig sabihin ayaw muna niyang makabasa ng kung anu-ano sa social media, sa madaling salita gusto muna niyang lumayo pansamantala sa mga usaping showbiz.
Kasalukuyang nasa Tarlac si Kris at sinamahan ang panganay na si Joshua Aquino na piniling doon muna manirahan dahil nagustuhan din ang buhay-probinsya mula nang manggaling sila ng Puerto Galera kung saan inabutan sila ng lockdown.
Siyempre ka-join din ang bunsong si Bimby dahil hindi naman ito papayag na maiwang mag-isa sa Manila lalo’t siya ang bantay ng ina pagdating sa health nito.
Timing ang bakasyon ni Kris sa probinsya dahil kailangan niya ng stress-free environment base na rin sa payo ng doktor niya na hindi siya binigyan ng fit to work clearance.
Meaning bukod sa COVID-19 pandemic hindi muna magtatrabaho ang Queen of All Media hanggang matapos ang 2020 dahil sa utos na rin ng kanyang doktor.
Inisip ng doktor ni Kris na bukod sa mahina ang resistensiya nito ay mahirap ding magtrabaho sa production lalo’t dumarami pa rin ang nagpopositibo sa COVID kahit na ipinatutupad ang health protocols.
Sabi ng source namin, “Oo nga, aanhin mo ang maraming kita kung sa hospital bills naman mapupunta ang lahat.”
Samantala, lahat ng commitment ni Kris ay sa 2021 na lahat itutuloy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.