Pinay singers, Southeast Asian female stars sanib-pwersa para sa 'Heal'; hindi nagpabayad ng TF | Bandera

Pinay singers, Southeast Asian female stars sanib-pwersa para sa ‘Heal’; hindi nagpabayad ng TF

Ervin Santiago - September 06, 2020 - 11:25 AM

 

 

MAGSASAMA-SAMA sa unang pagkakataon ang mga Pinoy singers at kilalang performers mula sa iba’t ibang bahagi ng Asia para sa isang bonggang collaboration.

Makakasama nina Jayda, Jona, Kyla, KZ Tandingan, Lesha, Moira dela Torre at Xela ang mga Asian stars na sina Rinni Wulandari at Yura Yunita ng Indonesia, ang grupong DOLLA at si Shalma Eliana ng Malaysia, Haneri at Haven ng Singapore, at si Valentina Ploy ng Thailand para sa natatanging awitin na may titulong “HEAL.”

Handog ng ABS-CBN Music International ang mensahe ng pag-asa sa pinaka-aabangang all-female song collaboration na mapapakinggan na ngayon sa lahat ng digital streaming platforms.

Ito ang unang proyekto na pagsasamahan ng mga artist mula sa iba’t ibang bansa sa Southeast Asia tampok ang kanilang mga boses na layuning magbigay inspirasyon at pagmamahal para sa paggaling, pagbangon, at pagkakaisa ng mga tao laban sa pandemya.

Ang awiting “HEAL” ay komposisyon nina Moophs, Alex Godinez aka Xela, at ng ABS-CBN Music creative director na si Jonathan Manalo na siya ring over-all producer nito.

Isa ring #StreamToDonate project ang kolaborasyon, dahil lahat ng mga nakibahaging mang-aawit ay piniling i-donate ang kanilang hati sa bayad at royalties para sa “Pantawid ng Pag-ibig” ng ABS-CBN, isang fund-raising campaign na hangaring maghatid ng tulong sa mga Pilipinong nawalan ng mapagkakakitaan dulot ng COVID-19 pandemic.

Isa lang ang “HEAL” sa mga proyekto ng ABS-CBN Music International, na naglalayong maipakilala ang talento ng mga Pilipino sa ibang bansa at kamakailan lang, maging tulay na rin sa pagdadala ng mga international talent at music sa Pilipinas.

Humanap ng inspirasyon at lakas sa pakikinig sa “HEAL,” mapapakinggan na sa iba’t ibang digital streaming platforms.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending