WATCH: Panayam sa viral post ni Teacher Rejohn sa estudyanteng walang cellphone, walang wifi
Viral ang Facebook post ng high school teacher na si Rejohn Modesto tungkol sa chats niya sa kanyang mga estudyante.
Isang estudyante na suma-sideline bilang water deliver boy ay kailangan pang umarkila ng mobile phone. Ang isa naman ay nagpaalam na male-late sa klase dahil sumama muna sa pangingisda para may ipambili ng pre-paid load na pang-Wifi.
Sa panayam ni Neil Arwin Mercado ng INQUIRER.net kay Teacher Rejohn, pag-uusapan ang ilang mga balakid na kinakaharap ng distance online learning sa Pilipinas bilang bagong new normal sa panahon ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.