Bagyong Julian isa ng severe tropical storm | Bandera

Bagyong Julian isa ng severe tropical storm

Karlos Bautista - August 29, 2020 - 07:49 AM

Higit na lumakas ang Bagyong Julian at ito ay isa na ngayong severe tropical storm.

Inaasahang lalo pa itong lalakas sa Linggo at magiging isang ganap na typhoon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration.

Huling namataan si Julian na mabagal na kumikilos sa layong 850 kilometro sa silangan ng Tuguegarao City sa Cagayan dakong 4:00 ng umaga ng Sabado, ayon kay Pagasa weather specialist  Benison Estareja.

May taglay itong lakas ng hangin na umaabot sa 95 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na higit sa 115 kilometro kada oras.

Walang tropical cyclone wind signal na nakataas saan mang bahagi ng bansa at di inaasahan si Julian na direktang magdulot ng masamang panahon sa bansa.

Sa loob ng 24 oras, si Julian ay tinatayang nasa 845 kilometro na ng silangan ng Tuguegarao City.

Inaasahang lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility sa Lunes ng gabi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending