Dingdong hinding-hindi malilimutan ang na-experience sa Amerikanong fan | Bandera

Dingdong hinding-hindi malilimutan ang na-experience sa Amerikanong fan

Ervin Santiago - August 28, 2020 - 03:32 PM

IBINANDERA ni Dingdong Dantes sa mga Kapuso ang na-experience niya noon sa isang Amerikano na naging instant fan nila ni Marian Rivera.

Nangyari ito nang mag-show siya abroad para sa GMA flagship international channel na GMA Pinoy TV.

Aniya, sa dami nang dinaluhan niyang events ng GMA Pinoy TV around the world ito ang never niyang malilimutan.

Kuwento ng aktor, isang American national na sumubaybay sa 2007 local adaptation ng Mexican TV series na Marimar na pinagtambalan nila ng asawang si Marian.

“Sa naalala ko, madalas kasi every after performance or concert, meron kaming meet and greet so ito nga ‘yung sinasabi kong interaction na nakakausap namin ‘yung fans. We get to sign magazines.

“Isa sa mga na-encounter ko ay asawa siya ng kababayan natin na nanonood sa atin. So lalaki na American so parang sabi niya, ‘Hey yo, Sergio (role niya sa serye)! My wife loves Marimar,’ parang ganu’n

“So nagkuwentuhan kami, so sabi ko, ‘really?’ So tinesting ko kung nanood talaga siya. Nakakatuwa kasi na-influnce ng asawa niyang Pilipino to watch this show,” ani Dong sa panayam ng GMA.

Mas lalo pang namangha ang aktor nang nalaman niyang ipinangalan ng American fan ang anak kay Marimar.

“And to top it all off, ‘yung anak nila ay pinangalan kay Marimar. So ‘yun ‘yung mga ganu’ng kuwento talaga, hinding-hindi ko makakalimutan,” sey pa ng aktor.

Hindi lang sa US, bumenta nang bongga ang Marimar kundi maging sa Asia at Africa nang ipalabas ito sa Vietnam, Cambodia, Myanmar, Malaysia, Brunei, Singapore, Indonesia, China, Nigeria, Ghana, Tanzania at Kenya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending