Michael Pacquiao ayaw resbakan ang mga bully: Sa mga bashers, thank you po! | Bandera

Michael Pacquiao ayaw resbakan ang mga bully: Sa mga bashers, thank you po!

Ervin Santiago - August 26, 2020 - 09:41 AM

 

SA halip na resbakan at magpakawala rin ng maaanghang na salita, may ibang style si Michael Pacquiao sa kanyang haters.

Maraming humahanga at natutuwa sa talento ng anak nina Sen. Manny at Jinkee Pacquaio, lalo na pagdating sa pagra-rap.

Pero kasabay ng kanyang pagsikat, may mga tao ring hindi natutuwa sa ginagawa niya at pilit siyang ibinabagsak, kabilang na ang mga taong may issue sa mga magulang niya.

Aminado ang binata na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa napakainit na pagtanggap sa kanya ng publiko pagdating sa pagkanta at pagra-rap.

Ayon kay Michael, ang talagang pangarap niya kahit noong bata pa siya ay maging professional basketball player.

“Ever since I wanted to be a professional basketball player. I didn’t expect to go this far. I didn’t expect it to blow up and I will reach this far,” sabi ni Michael sa interview ng online show na “Rated Korina.”

At dahil sikat na nga siya, dumami rin ang namba-bash sa kanya kaya naman natanong ang binata kung ano ang ginagawa niya kapag  nakakabasa siya ng mga negang comments sa social media.

“I read them. I read some of them. I read the ones that I see. I don’t actually try to find the comments.

“I just like scroll and when I see something that’s about me I’m like ‘woahh it’s me’ and then I just like see some comments. But I don’t like, really reply. No comment na lang,” paliwanag ni Michael.

Sa kanyang mensahe para sa fans, binanggit din niya na para rin ito sa lahat ng bashers na aniya’y nagparamdam din ng suporta sa kanya dahil pinakinggan din ng mga ito ang kanyang mga kanta.

“Salamat sa suporta. Thank you for supporting. Sa mga bashers din, thank you po for supporting. At least you listen to it din,” ani Michael.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, nangako naman ang baguhang singer-rapper sa kanyang parents na hinding-hindi niya pababayaan ang kanyang pag-aaral kahit may career na siya sa showbiz.

“I’m in college na. First year. I just started,” kuwento ni Michael. “It’s hard ‘cause there’s like so many assignments. Like you have to do a lot of work,” sey pa ng binata.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending