Makalipas ang 22 taon, Sarah Balabagan umamin na: Ang ama po ng panganay ko ay si Arnold Clavio | Bandera

Makalipas ang 22 taon, Sarah Balabagan umamin na: Ang ama po ng panganay ko ay si Arnold Clavio

Ervin Santiago - August 24, 2020 - 01:45 PM

 

MAKALIPAS ang 22 taon, tinuldukan na ni Sarah Balabagan ang issue tungkol sa tunay na ama ng panganay niyang anak.

“Ang ama po ng panganay ko ay yes, si Arnold Clavio po!” Yan ang matapang na pahayag ng dating OFW nang humarap siya sa publiko sa pamamagitan ng Facebook Live.

Napilitan si Sarah na ibandera ang katotohanan na ang Kapuso TV host-news anchor ang ama ng kanyang panganay na anak matapos mag-trending ang kanilang mga pangalan sa social media dahil sa kanilang nakaraan.

“Kaya ko ito ginagawa dahil after 22 years, lumabas na naman. Sabi nga nila, walang bahong hindi lalabas. Hindi naman po ako nalungkot dahil by God’s grace, masaya na ako sa buhay ko,” pahayag pa ng dating OFW na naging kontrobersiyal noong dekada 90 nang makulong siya sa UAE dahil sa kasong murder.

Pagpapatuloy pa niya, “Hindi naman po habambuhay, e, buhay ako para sagutin ang mga haka-haka at mga tsismis na ‘yan.

“Paano kapag wala na ako sa mundo? Tapos hindi ko ito kinorek? Baka mamaya maging multo pa ito sa anak ko,” paliwanag pa niya.

Sa ngayon ay 21 years old na raw ang anak ni Sarah kay Igan. May dalawa pa siyang anak sa asawa niya ngayong si Jun Sereno, isang 5-year old at isang one-year old.

Sinabi rin ni Sarah na nagpaalam muna siya sa asawa bago humarap sa madlang pipol at pumayag naman daw ito.

Nagdesisyon din daw siya na umamin sa publiko dahil sa kumakalat na fake news na ang dating ambassador na si Roy Seneres ang tatay ng kanyang anak.

“Si late Ambassador Roy Señeres po ang tumulong sa akin nu’ng ako ay nabuntis. Tinulungan niya ako para hindi kumalat sa public. Para hindi masira ang image ko noon at ‘yung image nu’ng taong ‘yun.

“Kinupkop ako at itinago ni ambassador pero ang nakakalungkot, e, sinasabi nilang siya raw ang ama,” paliwanag niya.

Sa isang bahagi ng video, naikuwento rin ni Sarah kung paano sila nag-meet ni Igan, “Nagkakilala kami ni Arnold nu’ng panahong ako ay nakapiit pa at dinalaw nila ako doon.

“Naging close kami noon ni ‘Kuya Arnold’ at nu’ng umuwi ako sa Pilipinas noong August 1, 1996, isa po siya sa mga nag-cover ng kaso ko. Naging exclusive pa nga niya ang story,” lahad niya.

“Alam n’yo naman kung gaano siya kakengkoy. Hindi kang ‘yung mukha niya kundi pari na rin ‘yung sense of humor niya. Kahit umiiyak ako, e, napapatawa niya ako.

“Galing ako sa kulungan noon and just imagine kung gaano ako ka-vulnerable noon pero hindi ko po idya-justify kung ano ang nagawa ko po.

“Si ‘Kuya Arnold’ din ang kauna-unahang tao na nagpasyal sa akin sa Maynila. At siya rin ang kauna-unahang tao na nagyayang manood sa akin ng sine,” pagbabalik-tanaw pa ni Sarah.

Nagpaliwanag din siya kung bakit inilihim niya ang katotohanang ito sa loob ng mahigit dalawang dekada, “Ang sabi kasi sa akin noon ni Arnold, e, walang aminan. Kahit ano raw ang mangyari, e, ‘wag akong aamin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I was 17 years old nu’ng mga panahon na ‘yun at talagang napaniwala niya ako. Pero naka-move on na ako at matagal ko ng napatawad si Arnold Clavio,” mensahe pa ni Sarah Balabagan na ginawan pa ng pelikula ang life story noong 1997.

Bukas ang pahinang ito sa magiging paliwanag o gagawing paglilinaw ni Igan. Agad naming ilalabas ang anumang pahayag na magmumula sa kampo ng Kapuso broadcaster.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending