'Love the Way You Lie' No. 1 na sa Netflix Bandera

‘Love the Way You Lie’ No. 1 na sa Netflix

Reggee Bonoan |August 22,2020
share this

‘Love the Way You Lie’ No. 1 na sa Netflix

Reggee Bonoan | August 22,2020 - 06:14 PM

Mukhang mas gumanda pa ang kapalaran ng pelikulang “Love the Way You Lie” nina Xian Lim, Kylie Versoza at Alex Gonzaga na produced ng Viva Films at Tin Can Films dahil kasalukuyan itong number 1 sa Netflix considering tatlong araw pa lang ito ini-release.

Ang “Love The Way You Lie” ay entry ng Viva Films/Tin Can sa 2020 Summer Metro Manila Film Festival pero dahil sa Covid-19 pandemic ay hindi ito natuloy. At base sa pahayag ng pamunuan ng MMFF ay puwedeng isali pa ang ibang pelikula sa 2021.

Pero hindi na ito hinintay ng producer at sa halip ay ibinenta na nila ito sa Netflix, isang desisyon na mukhang tama naman kaysa itengga nila ang pelikula ng isa pang taon, e, di sayang nga naman.

At marahil ay maraming nasabik sa pelikulang Pinoy kaya lahat ng mga pelikulang hindi natuloy ipalabas ngayong 2020 simula nu’ng pandemya ay inaabangan na ngayon sa Netflix o sa ibang platform.

Ayon sa mga nakapanood na ng “Love The Way You Lie” ay maganda ito at maalala mo ang pelikulang “Ghost” nina Patrick Swayze at Demi Moore noong 1990. Ang Hollywood movie na ito ay sa pagkakatanda namin ay inabot ng dalawang buwan sa mga sinehan dahil paulit-ulit itong pinapanood at maging ang haircut ni Demi Moore ay naging “in” sa mga babae ng mga panahong iyon.

Samantala, excited at labis namang nagpapasalamat si Xian sa tinatamasang success ng pelikula nila nina Kylie at Alex.

Ang caption ni Xian sa larawang number one ang pelikula nila sa Netflix:

“This is really amazing guys! Thank you for allowing Nathan, Sarah and Stacey to touch your hearts!

“Malaking pasasalamat sa lahat ng staff involved sa pagbuo ng pelikula. Swipe for our last shooting day picture! Salamat rekdi @rcrdelosreyes for the trust! Galing mo pramis.

“Iba talaga pag 30 years in the industry! Ha ha Our DOP @llcoolljm is just on firreeee! Looking forward to working with you in the future maaayn!

“Congrats @dannomariquit for a very heartfelt screenplay! congrats @cathygonzaga @kylieverzosa and to everyone involved sa project na ito! Excited lang talaga kami sa project na ito and we’re so happy sa outcome at feedback ng mga tao @viva_ent @tincanfilmsph.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending