Huwag sanang mapasukan ng anomalya | Bandera

Huwag sanang mapasukan ng anomalya

Arlyn Dela Cruz - August 17, 2020 - 04:39 PM

Ang proseso ng bidding ay transparent. Dapat lang.

Ngunit ang transparency ay hindi garantiya na walang manipulasyon na maaaring mangyari.

Sa panahon ng pandemya, may mga bidding na nangyayari na dapat bantayan na ang layunin pa naman ay ang makatulong sa panahon ng global health crisis.

Halimbawa, dahil sa kailangan ng mga tablet ngayon ng kabataan bunga ng nag-ibang istratehiya at pamamaraan sa pagtuturo dahil sa pandemya, isang katotohanan na hindi lahat ng kabataan ay makakabili nito.

Alam natin na may modules ngunit ang pangangailangan. Dito papasok ang mga local govervnment units sa pagbili ng tablets para ipamigay sa mga mag-aaral sa kanilang siyudad o bayan.

May dalawa na akong LGU na nalamang natapos na ang bidding sa procurement ng tablets na ipamimigay sa mga mag-aaral.

Una ay sa Pasig City at ikalawa ay sa Quezon City.

Julu 18 ang bidding na nangyari sa Pasig, August 4 naman ang sa Quezon City.

Mabususi ang pagpili sa bahagi ng Pasig. Hindi ko iyon masasabing ganun din sa Quezon City batay sa mga impormasyong nakalap ko.

Yung napiling bidder sa Quezon City, lumahok din sa Pasig pero may ka joint venture sila o J.V. na tinatawag. At kung bubusisiin ang record ng ka- joint venture, sa groceries ito kilala, hindi sa gadget, definitely hindi sa tablet. At yung nag-jpin sa Pasig na ka-J.V.na kilala sa groceries, sa software naman ang linya.

Parehong nasa Php1.2 Billion ang halaga ng allocation para sa procurement ng tablets ang sa Pasig City at Quezon City.

Malaking halaga. Ang totoo, ang 1.2B sa Quezon City ay bahagi lamang ng Php 2.9B na pindo para sa blended learning ng naturang lungsod.

Nasa Philippine Government E-Procurement Systems naman ang detalye tungkol dito. Anyone can access.

Eto ngayon, ang specifications ay halos copy paste ng isang brand at may clause pa na kailangan global brand na available sa 35 countries, na isa lang ang nag-qualify. A case of a lone bidder na ang bid price ay Php 6, 950.00 na 50 pesos lang ibinaba sa ceiling price na Php 7,000.00.

Yung specs na halos copy paste at puwedeng nagkataon lang at yung must be a global brand ay puwedeng assurance ng quality ng mabibiling brand.

Pero nang malaman ko kung sino ang connected doon sa isa dalawang may J.V. ay madali nang maamoy ang dapat maamoy.

The same company has dealings with PhilHealth na nasa gitna ngayon ng umaalingasaw na alegasyon ng katiwalian.

Maganda ang layunin ng pamimigay ng tablet sa mga mag-aaral lalo na sa mga walang pambili.

Yun ngang pagkaka-urong ng opening ng klase sa October 5 ay magbibigay pa ng sapat na panahon sa mga LGU na tumulong sa pag-aaral ng mga kabataan sa pamamagitan ng purchase ng tablet bilang gadget sa pag-aaral.

Ngunit kung makakabalita ka na lone bidder ang pasok at may preferred brand na, at may link sa isang mataas na tao sa mismong LGU yung nanalo sa bidding, hindi malayong mag-connect the dots ka.

Wala akong sinasabing may anomalya, ang sa akin, bantayan natin at makokonek natin ang dots.

Admirable at laudable ang layunin.

Bantayan lang po natin ang mga bidding na nangyayari.

Shoutout kay Mayor Vicoy ng Pasig, nabalitaan kong mahigpit ang pagbabantay mo sa bidding upang matiyak na yung karapat-dapat ang mapipili.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag sanang malusutan ang Mayor ng Pasig, gayundin ang Mayor ng Quezon City.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending