Makati City may 2,717 kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19
Nakapagtala ang Makati Health Department (MHD) ng 1,103 aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod noong Agosto 14.
Base sa rekord, 1,475 ang gumaling mula sa naturang sakit habang umabot na sa 2,717 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa Makati.
Sa persons under monitoring o PUM, nananatiling pinakamataas ang bilang sa Barangay Cembo na umaabot ng 139, at sumunod naman ang Barangay Rizal na may kabuuang bilang na 123. Parehong matatagpuan ang dalawang barangay sa District 2 ng Makati City.
Sa District 1, nakapagtala naman ng kabuuang 103 na PUM ang Barangay Pio Del Pilar.
Muling nagpaalala si Mayor Abby Binay sa kanyag constituents na “manatili sa tahanan at iwasan ang paglabas kung hindi kinakailangan upang maging ligtas.”
Kung ikaw ay taga-Makati at sa pakiramdam mo ay mayroon kang sintomas ng COVID-19, mangyaring tumawag sa 168 o (02) 8942 6843.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.