Anne, Ria, Irma, Bianca nanindigan sa #SONATotoo; kanya-kanyang hiling kay Duterte | Bandera

Anne, Ria, Irma, Bianca nanindigan sa #SONATotoo; kanya-kanyang hiling kay Duterte

Ervin Santiago - July 27, 2020 - 02:58 PM

 

 

KANYA-KANYANG hugot ang ilang mga artista sa gaganaping ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong hapon.

Gamit ang mga hashtag na #SONATotoo, #SONAKoTo, #SONAngaling at #SONA2020 inaabangan na ngayon ng sambayanang Filipino at ng buong mundo ang gagawing “ulat sa bayan” ng Presidente.

Pero bago nga ang pagharap ng Pangulo sa madlang pipol, naglabas ng kanilang saloobin ang ilang mga celebrities sa mga nangyayari ngayon sa bansa, lalo na ngayong nahaharap pa rinnsa matinding health crisis ang Pilipinas.

Gamit ang hashtag na #SONATotoo, may wish ang Kapamilya actress na si Anne Curtis sa Pangulo, “Sana mayroong plano kung paano susurportahan ang pagaaral ng kabataan ngayon na hindi sila makapasok sa eskwelahan due to covid-19 Matagal pa cguro bago magkavaccine.

“I hope there’s a way na makakatuloy sa pagaaral ang LAHAT ng kabataan given the current circumstances #SONATotoo,” sabi pa ni Anne.

Mahaba naman ang hugot ng magaling na character actress na si Irma Adlawan na ipinost niya sa Instagram, “Ako ay isang ‘certified’ DDS. Noong wala kahit isa sa pamilya ko na gustong bumoto sa’yo, nanindigan ako sa paniniwala ko. Naniwala ako sa kapayakan mo. Naniwala ako sa katapatan mo.

“Naniwala ako at umasa na Ikaw na ang Pangulong makikipaglaban at makikinig sa pangngailangan ng mga maliliit na mamayan at ang tunay na magdadala sa atin sa kaunlaran….”

“Apat na taon…. Totoo ngang may naipatupad. Totoo ngang may na iligtas.. Totoo ngang may magandang nagawa…. pero habang tumatagal… bakit parang nagiiba? Dahil ba ito sa mga taong nakapaligid sa yo….?

“Dahil ba ito sa pagod, kaya basta-basta ka na lang magpasiya na hindi mo na inisip na maraming magdurusa…? O dahil ito ang tunay na ikaw, na ngayon ko pala lang nakikita?”

Pagpapatuloy pa niya, “Bukas (July 27) magsasalita kang muli……. SONA matuto kang magpatawad.

“SONA marinig mo ang hinaing ng sinasabi mo’y MAHAL MONG PILIPINAS.

“SONA mapaniwala mo pa ako…. At ang lahat ng mamumutawi sa iyong bibig bukas…. #SONATotoo.”

Ito naman ang tweet ni Bianca Gonzalez, “Sana dinggin ng Supreme Court ang ilang hinain na petisyon para ma-amend ang Anti-Terror Law at lalong palakasin ang ‘safeguards in place,’ kasabay ng provisions sa pagsugpo ng mga tunay na terorista. #SANA2020.

“Sana, hindi man natin alam kung sino talaga ang mga nagnakaw o nangungurakot sa kaban ng bayan; sana managot sila, dahil sa tao at serbisyo publiko naman talaga dapat mapunta ang ating buwis, at hindi sa bulsa ng iilan lamang.”

Matapang naman ang mensahe ng sister ni Arjo Atayde na si Ria na kanyang ipinost sa Facebook, “Sa lahat ng nangyayari, nagiging mas mahirap ang kumapit sa pag-asa. Sa lumipas na apat na taon, ang dami nating pinagdaanang opresyon sa ating bansa — mula sa pagpatay sa mga mamamayan hanggang sa kawalan ng kakayahang humarap sa krisis at pandemya.

“Hindi tayo pwedeng maging pipi at bingi sa mga abuso sa ating bayan at mga kababayan.

“Lumaban ka sa kahit anong paraang komportable para sa’yo. Pero pakiusap, manatiling mapagmatyag at wag magbulag-bulagan. Alam kong marami sa atin ay mas maginhawa ang kalagayan kumpara sa iba, pero tayo ay iisang bansa.

“Ang kinabukasan natin ay kinabukasan nila. Kung ang Pilipinas ay lulubog, kasama tayong lahat na malulunod. (Pero baka hindi silang mga VIP — uubusin na nga lahat ng lifevests, magpapa-special rescue pa. Na buwis natin ang ipambabayad.) #ItoAngSONAKo #SONAngaling.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending