Lian Paz super proud sa 3 anak na may ‘High Honors’

Lian Paz super proud sa 3 anak na may ‘High Honors’ sa pagtatapos ng klase

Pauline del Rosario - June 01, 2024 - 03:05 PM

Lian Paz super proud sa 3 anak na may ‘High Honors’ sa pagtatapos ng klase

PHOTOS: Instgram/@liankatrina

BUKOD sa graduation, recognition season na rin sa mga eskwelahan –ang special day na kinikilala ang kasipagan at katalinuhan ng mga estudyante.

Tulad ng tatlong anak ng dating EB Babes member at aktres na si Lian Paz na pinarangalan ng “With High Honors” sa kanilang paaralan!

Proud na proud pa nga itong ibinandera ng aktres sa kanyang social media kung saan present sila ng kanyang partner na Cebuano businessman at basketball player na si John Cabahug sa recognition day ng mga anak.

Una niyang ibinida ang kanyang bunso na si Niña na tila ilang beses umakyat ng stage para sa awards na ibinigay ng kanyang school na Maternelle Academy, ang only Filipino-French school sa bansa.

Sa Instagram photos, makikita ang natanggap na certificates ng tsikiting na bukod sa “High Honors,” ay humakot din ito ng ilan pang awards kabilang na ang Filipino Awardee, Science Awardee, Most Cheerful, at marami pang iba.

Baka Bet Mo: Lian Paz sa hindi paggamit ng social media nina Xonia at Xalene: ‘Mahirap na may mabasa kayo na content na hindi niyo magugustuhan’

Dahil sa tuwa, lubos na pinasasalamatan ni Lian ang Panginoon dahil sa biyayang wisdom and knowledge na ibinigay sa anak.

“I am grateful to you oh father God, for providing the opportunity for our daughter to learn and grow in school not just academically but also in character. Thank you for the guidance, the protection and strength you have given us to finish another year in school,” bahagi ng kanyang caption.

Pinasalamatan din niya ang eskwelahan, “For helping shape our children not just to excel in academics but also with their behavior. We appreciate your efforts in bringing this together in learning so our children can be better individuals.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lian Paz (@liankatrina)

Makalipas ang dalawang araw, nabigyan din ng awards ang dalawa pang anak ni Lian na sina Xonia at Xalene.

Pareho nila nakuha ang “With High Honors” award!

Tulad sa previous post, naging grateful si Lian sa Diyos dahil sa nakamit ng dalawang dalaga.

“As they grow in their spiritual walk with you lord, They learned to value everything you gave them even more,” wika niya sa IG post.

Patuloy niya, “I appreciate all the hardwork and dedication my daughters have put in academically and most of all, their willingness and commitment to be a good person and that is all because of your grace oh lord! [red heart, folded hands emojis]”

“I am confident in your promises lord that everything works for the good for those who love you! according to your purpose! [folded hands emoji],” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lian Paz (@liankatrina)

Para sa mga hindi aware, sina Xonia at Xalene ay anak ni Lian sa dating mister na aktor na si Paolo Contis.

Taong 2012 nang maghiwalay ang dating mag-asawa matapos ang apat na taong pagsasama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Taong 2021 naman nang ma-engage si Lian at John makalipas ang walong taong magdyowa.

Noong 2016 nang magkaroon ng anak ang aktres at basketball player na si Niña Angela.

Si John ay mayroon ding isang anak mula sa dating partner na si Maria Alexandra.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending