Coco, Julia pinagluto si Michael ng handa sa b-day niya: ‘I’m deeply touched’
NAKATUTUWANG panoorin ang video ng core group ng seryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” dahil muli silang nagkita-kita sa kaarawan ni Michael de Mesa na ginawa sa bahay ni Coco Martin.
Bukod kay Michael na kasama ang wifey niyang si Julie Eigenmann ay dumating din ang mag-asawang John Prats at Isabel Oli, pati sina John Estrada at Albert Martinez.
Naging punong-abala naman si Julia Montes sa paghahanda at pagluluto, katuwang sina Chef Reggie Aspiras at Coco.
Nahuli rin ng video si Coco na hiniwa ang tiyan ng litson at nilagyan ng palaman at tsaka tinahi, ito ang version niya ng Cochinillo.
Masayang sabi ng aktor, “Success para kay Tito Mike! Pinaghirapan ko talaga ‘to!”
Baka Bet Mo: Michael de Mesa iyak nang iyak sa taping ng ‘Ang Probinsyano’ nang malamang patay na si Cherie Gil
Pinost din ni Chef Reggie ang mga niluto nila sa kanyang IG story, “Happiest birthday Mike! I hope we surprised you and made you feel truly special.”
“Dearest Coco and Julia it was fun cooking with you. So proud of your perfect CocoCochinillo. Coco it was nice to have you back in my kitchen. Till next time,” aniya pa.
View this post on Instagram
Solid ang grupo ng “Ang Probinsyano” dahil kahit hindi na sila magkakasama at bihirang magkita ay hindi nawala ang komunikasyon.
Sa mga nabanggit naming pangalan ay bukod tanging si John palang ang kasama sa “FPJ’s Batang Quiapo” sa karakter na stepfather ni Coco as Tanggol.
In due time, tiyak na mapapanood na ulit ang mga taga-Probinsyano sa “Batang Quiapo” dahil knowing Coco lahat ng nakatrabaho niyang may tiwala siya ay muli niyang kinukuha sa mga projects niya.
Nag-post din si Michael sa kanyang IG account ng video na kuha sa kaarawan niya at ilang larawan.
Ang caption niya, “When your closest friends go above and beyond to throw you a birthday dinner. They not only hosted but also took the time to cook for me.”
“I’m deeply touched by their thoughtfulness and generosity. Maraming salamat @cocomartin_ph, @montesjulia08 and Chef @iamreggieaspiras for making my day so special!” dagdag niya.
Ani pa ng batikang aktor, “Thank you also @johnprats @isabeloliprats, @raymartsantiago @johnestrada, @albertmartinezph for celebrating with me. Love you guys! (emoji hearts).”
View this post on Instagram
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.