Donita Nose tinamaan ng pneumonia: 'Feeling ko talaga, it’s COVID' | Bandera

Donita Nose tinamaan ng pneumonia: ‘Feeling ko talaga, it’s COVID’

Ervin Santiago - July 25, 2020 - 06:34 PM

KUMPIRMADONG may pneumonia ang Kapuso TV host-comedian na si Donita Nose.

Kaya ang ikinatatakot ngayon ni Donita, o Ogie Solano sa tunay na buhay, ay baka nga meron na rin siyang COVID-19.

Nasa emergency room ngayon ng St. Luke’s Hospital ang komedyante para ma-monitor ang kanyang kundisyon matapos sumailalim sa swab test.

Sa Facebook Live ni Donita habang nasa ospital, ibinalita niya sa publiko ang kanyang karamdaman. Isang linggo na raw siyang may lagnat, ubo, matinding sakit ng ulo at diarrhea.

Kahapon, nahirapan na rin daw siyang huminga kaya nagpunta na siya sa ospital at nakumpirma ngang meron siyang pneumonia.

Aniya, baka raw matagalan pa siya sa ER ng St. Luke’s dahil wala pang bakanteng kuwarto. Pang-20 pa raw siya sa listahan ng mga pasyenteng  nag-request ng sariling room.

Sa kanyang FB Live, pinasalamatan muna ng Kapuso comedian ang lahat ng mga tumutulong sa kanya, kabilang na ang mga kapwa niya stand-up comedian.

Sa isang bahagi ng video, talagang naiyak na siya habang ikinukuwento ang kanyang pagkakasakit. Aniya, “It’s hard. Mahirap kasi mag-isa ka lang dito, e. So, kailangan mong maging strong. Pero kaya, laban lang ako.”

Dalawa hanggang tatlong araw pa ang hihintayin niya para malaman ang resulta ng swab test, “I know, kahit two to three days pa ang result, feeling ko naman talaga, it’s COVID.”

Samantala, naikuwento rin ni Donita ang dilemma ng isang pasyenteng dinadala sa ospital, “Ang mahirap kasi, yung susunduin ka ng ambulansiya sa bahay niyo, tapos pagtitinginan ka ng mga kapitbahay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sinundo ka lang naman kasi ng naka-PPE (personal protective equipment), so alam na nila yun,” ang lumuluha pa niyang kuwento.

Nagbigay din siya ng mensahe sa lahat ng COVID-19 patients, “Wag kayong mahihiya, hindi naman ito nakakahiyang sakit, e. Di natin ginusto ito, walang may gusto nito.

“Talagang kung tatamaan ka, tatamaan ka, kaya magdodoble-ingat kayo,” pahayag ni Donita na muling humiling sa publiko na isama rin siya sa kanilang mga dasal, “Kahit prayers na lang. Prayers is okay.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending