Vice 'nag-walkout' sa opening ng Showtime: Kailangan kong um-exit sa point na 'yun para umiyak | Bandera

Vice ‘nag-walkout’ sa opening ng Showtime: Kailangan kong um-exit sa point na ‘yun para umiyak

Ervin Santiago - July 11, 2020 - 02:59 PM

 

“NAG-WALKOUT” si Vice Ganda habang nagpe-perform kaninang tanghali para sa opening number ng It’s Showtime.

 

Sa kabila ng kanyang positibong pananaw matapos ang tuluyang pagpapasara sa ABS-CBN, hindi na rin kinaya ng TV host-comedian ang bigat ng kanyang kalooban.

 

Habang kumakanta on stage, may pagkakataon na hindi na niya mabigkas ang mga lyrics at halatang pinipigil lang ang kanyang emosyon.

 

Sa kalagitnaan ng kanyang performance kasama ang iba pang hosts ng Showtime, bigla na lang tumalikod si Vice at umalis ng stage.

 

Ilang sandali ang nakalipas, nag-tweet ang Phenomenal Box-Office Star at humingi ng paumanhin sa madlang pipol.

 

“Kailangan kong umexit sa point na ‘yun para umiyak. I couldn’t fake it. Pero ok nako after humagulgol,” ani Vice Ganda.

 

Kagabi, isa ang komedyante sa mga Kapamilya stars na nagpahayag ng pagkadismaya sa naging desisyon ng Kongreso na huwag nang bigyan ng bagong prangkisa ang Dos.

 

“Ang ABS-CBN, ang serbisyong ibinigay niya ay naging malaking bahagi ng araw-araw na buhay ng mga Pilipino. Napakalaking bahagi.

 

“Tungkol ito sa ating lahat. Hindi ito tungkol lang sa mga taga-ABS-CBN, sa mga artista. Tungkol ito sa ating lahat. Tungkol ito sa buhay natin,” aniya sa panayam ng ABS-CBN.

 

Nag-tweet pa siya bago ang ginanap na botohan ng mga kongresista, “It’s a show! At lahat yan pre show lang. Actually masyado na ngang mahaba kasi andaming nagpabibong magfront act. Now it’s the main event.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

“Let’s watch and be amazed as the LORD GOD performs.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending