outbrain

Kim Idol biglang hinimatay, nasa kritikal na kundisyon: Wag kang susuko, lumaban ka!

By Ervin Santiago July 09,2020
share this

Kim Idol biglang hinimatay, nasa kritikal na kundisyon: Wag kang susuko, lumaban ka!

By Ervin Santiago July 09,2020 - 12:46 PM

 

HUMILING ng dasal ang pamilya at malalapit na kaibigan ng komedyanteng si Kim Idol na nasa kritikal na kundisyon ngayon.

Ayon sa inisyal na report, natagpuan si Kim o Michael Argente sa tunay na buhay, sa isang bahagi ng Philippine Arena kaninang madaling-araw nang walang malay.

Agad siyang dinala sa Manila Central University Hospital sa Caloocan City. Balitang nakapag-perform pa si Kim para sa isang benefit show bago siya matagpuan.

Base sa panayam sa kanyang nanay na si Maria Argente, nagkaroon ng brain arteriovenous malformation (AVM) ang anak.

Kanya-kanyang post naman ng mensahe sa kanilang social media accounts ang mga kaibigan ni Kim sa showbiz. Hiniling nila sa madlang pipol na ipagdasal ang komedyante.

Ayon kay Super Tekla, na-feel na niyang may kakaiba kay Kim Idol nang huli niya itong makausap, “Ayan, di ka nagsasabi ng nararamdaman mo tinawagan kita dahil nararamdam ko yung post mo may something.

“Sabi mo, ok ka lang. Sabi ko kahit, puntahan kita Kim Idol. Teh kaya pa ‘yan. Wag na ‘wag kang bibitaw. Lumaban ka, kaya mo ‘yan.”

Dagdag pa niya, “Ipagdasal po natin ang aming kaibigan, critical ang lagay ni Kim Idol. DIYOS KO ILIGTAS N’YO SI KIM IDOL SA SITWASYON N’YA NGAYON.”

Ayon naman kay Teri Onor, “Please pray for our friend Kim Idol. Naka-life support po siya ngayon sa hospital.”

Ito naman ang mensahe ni Philip Lazaro: “Let us all pray for KIM IDOL. Naputukan ng ugat sa ulo. In life support now. KUYA JESS, MAMA MARY PLS.”

Mensahe ni Ate Gay sa kaibigan, “Kim Idol, bakla ka! May Iceland pa tayo sa September kaya gumising ka na.”

Isa si Kim Idol sa mga nawalan ng regular na trabaho sa showiz mula nang magka-COVID kaya tinanggap niya ang raket ng pagiging marshal sa Bureau of Quarantine sa Philippine Arena na isa sa mga ginagamit ngayon bilang COVID-19 facility.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending