Banat ni Korina sa mga kontra-prangkisa ng ABS-CBN: Di kaya sila kidlatin ng langit? | Bandera

Banat ni Korina sa mga kontra-prangkisa ng ABS-CBN: Di kaya sila kidlatin ng langit?

Ervin Santiago - July 09, 2020 - 11:14 AM

 

 

MATAPANG at kumakagat ang bagong hugot ni Korina Sanchez para sa mga kongresista na boboto ng “NO” sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Tila tinakot na ng Kapamilya TV host-broadcast journalist ang mga mambabatas na kokontra sa muling pagbibigay ng prangkisa sa network.

Sa kanyang Instagram account, sinabi ni Korina na wala namang perfect na kumpanya, ang mahalaga ay ang pangakong aayusin at pupunuan ang mga pagkukulang.

“Wala mang mapatunayang violations, nagpapakumbaba ang pamunuan ng network at umaaming walang perpektong kumpanya.

“Wala. At bukas ang network sa pagtutuwid ng hindi perpekto. Lalo naman na hindi perpekto ang mga kongresista.

“Kung walang mapatunayang violations, at nagpapakumbaba parin ang network executives, ipagkakait parin ang franchise renewal at isasarado parin ang ABSCBN?

“Di kaya sila kidlatin ng langit?” ang hirit pa ng “Rated K” host.

Sa isa pang IG post ni Korina, ibinahagi pa niya ang mga awards na nakuha ng kanyang mga programa sa ABS-CBN bilang patunay na totoong naglilingkod at tumutulong sa bayan ang network.

Dito, muli niyang ipinagdiinan na wala namang napatunayan sa hearing na may mga nilabag ang ABS-CBN sa dati nitong prangkisa.

“Sino ba yung nagsasabing walang ginawang tama ang ABSCBN?

“And that because of imperfections, and not even proven violations, it needs to be shut down?

“After 65 Years of broadcast excellence? Am looking at just a few of the awards received by TV Patrol and Rated K, from both here and abroad.

“Modesty aside, there is a room full of trophies for just these 2 ABSCBN shows. Parang nakakalimutan yata ito.

“Kung napakaraming parangal mula sa pinaka-prestihyosong mga organisasyon ang network, hindi nga ba’t patunay yan na In The Service of the Filipino ang pinaghirapan naming lahat na gawin?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pagpapatuloy pa niya, “What huge infraction did ABSCBN commit to merit such bullying and torture and disrespect from some of the Lower House Committe members?

“Anyway, hindi naman siguro krimen nanaman ang magtanong lang. Ewan ko ba,” hirit pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending