Kris, 2 anak nagbalik-probinsya; planong karirin ang buhay-promdi
EKSAKTONG isang buwan pa lang nakauuwi sa bahay nila sa Quezon City si Kris Aquino kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby, pero nami-miss na niya ang buhay-probinsya.
Kasalukuyang nasa Pampanga si Kris kasama si Bimby at nasa Tarlac naman ang panganay niyang si Josh para lumanghap ng sariwang hangin tulad ng nakagawian nila sa loob ng mahigit tatlong buwan sa Puerto Galera nu’ng magkaroon ng lockdown.
Ibinalita ito ni Kris sa kanyang Instagram account ngayong araw. Aniya sa caption, “Whenever his Lola Cory (Aquino) would go to the Aquino Center in Tarlac, kasama si Josh. I perfectly understand why this is his happiest place because napaka SPECIAL ng bond nila ng lola n’ya.
“Gusto talaga ni kuya Josh ang buhay probinsya. Pinayagan ko s’ya to be in #Tarlac now kasi ang deal namin he has to lose his tummy na bumalik dahil sa lockdown so everyday jogging sya. Kami ni Bimb nasa Pradera Verde in Pampanga with my friends, the Pineda family.
“I never imagined that I would reach a point in my life when my heart would feel peaceful and my health would benefit so much away from the city. but my work is in NCR, so the ideal is living somewhere reachable less than 90 minutes from the NLEX Balintawak entrance.
“The least likely person who would be advocating #balikprobinsya (in my case mas accurate ang #lipatsaprobinsya) because she’s always loved the vibrant energy of big cities, is seriously contemplating it now.
“I’ll do anything & everything for the happiness and well being of my sons, and that starts with prioritizing my wellness. #parasakinabukasan.”
Pinaghahandaan na talaga ni Kris ang muli niyang pagbabalik sa telebisyon sa susunod na buwan kaya panay ang pag-iingat niya sa sarili. Kailangang super healthy siya para magtuluy-tuloy ang taping sa bago niyang talk show.
Samantala, mukhang hindi na matutuloy ang rebranding ng TV5 o ang pagpapalit ng pangalan nito sa OneTV.ph. Mas kilala at alam na raw kasi ng publiko ang TV5 o Kapatid Network.
Sabi nga ng may-ari ng TV5 na si Manny Pangilinan, “TV5 will stay.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.