NTC ipatitigil ang patuloy na pagpapalabas ng ABS-CBN sa TVPlus | Bandera

NTC ipatitigil ang patuloy na pagpapalabas ng ABS-CBN sa TVPlus

Leifbilly Begas - June 29, 2020 - 08:03 PM

IPATITIGIL ng National Telecommunications Commission ang patuloy na pagpapalabas ng ABS-CBN Corp. ng mga programa nito gamit ang ibang channel.

Sa joint hearing ng House committees on Legislative Franchise at on Good Government and Public Accountability sinabi ni National Telecommunications Commission (NTC) Commissioner Gamaliel Cordoba na magpapalabas ito ng Alias Cease and Desist Order laban sa paggamit ng ABS-CBN sa frequency ng Channel 43.

“Ihihinto, opo,” ani Cordoba sa pagtatanong ni AnaKalusugan Rep. Mike Defensor.

Matapos mag-expire ang prangkisa ng ABS-CBN Corp., naipalabas ang mga palabas nito sa TVplus gamit ang frequency ng Channel 43. Ayon sa ABS-CBN bumili ito ng block time sa Channel 43 na pagmamay-ari ng Amcara Broadcasting Network.

“This is a usurpation, an infringement of the power of Congress (to issue legislative franchises),” ani Defensor. “This is a violation of the powers of Congress, of our (exclusive) constitutional mandate (to issue franchises).”

Tinanong ng mga kongresista si Cordoba kung bakit hindi nito ginawa ang kanyang trabaho na ipahinto ang pagpapalabas ng ABS-CBN gamit ang ibang digital platform.

Sinabi ni Cordoba na hinintay nito ang opinyon ng Office of the Solicitor General upang matiyak na wala ito magiging implikasyon sa nakabinbing kaso sa Korte Suprema.

“We wanted to be more prudent so we asked for guidance from the OSG and we got it today. Tama nga at pwede mag-issue alias CDO,” ani Cordoba.

Sinabi naman ni Cavite Rep. Jesus Crispin Remulla na maaaring managot sa Office of the Ombudsman si Cordoba dahil hindi nito ginawa ang kanilang trabaho.

“Kumikita sila (ABS-CBN) ng pera, wala sila prangkisa, 8 weeks na po ‘yan,” ani Remulla.

Para naman kay SAGIP Rep. Rodante Marcoleta dapat magbitiw si Cordoba sa kanyang posisyon.

Samantala, sinabi naman ni ABS-CBN president and CEO Carlo Katigbak na hindi saklaw ng CDO na ipinalabas ng NTC ng ipasara nito ang Channel 2 ang Channel 43.

Punto ni Katigbak ang prangkisa ng Channel 43 ay hiwalay na prangkisa sa Channel 2.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinabi naman ni Remulla na iligal ang paggamit ng ABS-CBN sa frequency ng Channel 43 upang maipalabas ang mga programa nito.

“No amount of ‘palusot’ will be enough para payagan ang arrangement na ito,” ani Remulla. “Wala na po sila karapatan mag-broadcast, period. This Block time arrangement ay palusot lang ‘to.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending