LTFRB Memo Circular para sa pagbiyahe ng tradisyunal na jeepney ilalabas na | Bandera

LTFRB Memo Circular para sa pagbiyahe ng tradisyunal na jeepney ilalabas na

Leifbilly Begas - June 29, 2020 - 12:48 PM

ILALABAS na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang Memorandum Circular para sa muling pagbiyahe ng tradisyonal na jeepney.

Ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra posibleng bukas o sa Miyerkules ay mailabas na ang Circular na magiging batayan sa pagbiyahe ng mga tradisyonal na jeepney.

“Sila (PUJ) ay mapapayagan na ngayong linggo pero inaayos na po natin, at isa-pinal na po natin yung Memorandum Circular that we will issue hopefully tomorrow or Wednesday at the latest po,” ani Delgra.

Pero sinabi ni Delgra na ang mga traditional jeepney na papayagang bumiyahe ay ang mga “road worthy” lamang.

“Pinaplano na po yung pagbalik ng mga traditional jeepney but we would like to emphasize again na yung pagbabalik ng mga traditional na jeepney kailangan sila ay road worthy mahigpit na direktiba po ito sa DoTr na papayagan na yung mga traditional jeepney so long as they are road worthy.”

Kahit na kalahati lamang ng kapasilidad ng pampublikong sasakyan ang pinapayagan, sinabi ni Delgra na hindi papayagan ang pagtataas ng pasahe dahil maging pahirap ito sa mga mananakaw, karamihan sa kanila ay hindi nakapasok sa trabaho.

Naghahanap umano ng paraan ang Department of Transportation upang tulungan ang mga public utility vehicles gaya ng pagbibigay ng fuel subsidy.

“We will not increase any fare whatever modes, will it be bus, UV (Express), PUJ, even taxi and TNVS (Transport Network Vehicle System). Having said that yung Department of Transportation po ay gumagawa at nagagawa na po yung mga hakbang kung saan matutulungan yung mga public utility vehicle operator na may dagdag ayuda para sa kanila there has already been program for fuel subsidy for buses and PUJ as well as UV express it already being workout now hopefully it will be rolled out soon para matulungan na rin po yung mga tumatakbong mga bus, UV Express ay jeepney po.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending