Dingdong malaki ang utang na loob sa TGIS: 'Yun ang pinaka-memorable kasi... | Bandera

Dingdong malaki ang utang na loob sa TGIS: ‘Yun ang pinaka-memorable kasi…

Ervin Santiago - June 28, 2020 - 10:21 AM

MALAKI ang utang na loob ng GMA Primetime King na si Dingdong Dantes sa dating Kapuso youth-oriented series na T.G.I.S..

Sa loob ng 20 taon, napakarami nang naging programa ni Dingdong sa GMA 7, mula teleserye, reality show hanggang sa documentary series. Pero para sa kanya pinaka-memorable pa rin ang T.G.I.S..

Naging bahagi si Dingdong sa second batch ng T.G.I.S. noong dekada 90 kung saan ginampanan niya ang karakter ni Iñaki at naging  ka-loveteam si Antoinette Taus.

Ani Ding, ito ang maituturing na defining moment niya sa GMA na siyang nagbukas ng napakaraming opportunities para sa kanya sa showbiz industry.

“Konektado ito sa sinabi ko noon na pagbubukas ng pinto kasi ito yung first show ko sa GMA at iyon yung T.G.I.S.

“Para sa akin, ‘yun ‘yung pinaka-memorable dahil ito ‘yung panahon na nag-aalangan pa ako kasi ‘di ko alam kung ano bang gusto ko pero nandu’n ako. Hanggang du’n sa after ng show na ‘yun, unti-unti ko nang nagustuhan ‘yung pag-arte.

“’Yun din ‘yung unang show na una kaming nagkasama ni Direk Dominic Zapata. Imagine that was 21 years ago? At siya rin ‘yung director namin ngayon sa Descendants of the SunSo, that was one of his first directorial jobs at magkasama kami and it was really memorable,” pahayag ni Dong.

At para sa lahat ng nagre-request na sana’y mapanood nila uli sa TV ang T.G.I.S, mukhang may posibilidad na ngang mapagbigyan ito dahil sa GMA Affordabox.

 “Posible siyang mapalabas ulit dito sa ating GMA Affordabox, ha. Posible siyang ipalabas ulit.

“Imagine these shows na tinatanong natin dati kung kailan ba natin mapapanood ulit? Ngayon, maaari siyang magkaroon ng rerun na mas makulay at mas malinaw,” sey ni Dingdong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending