Death benefit sa SSS | Bandera

Death benefit sa SSS

Lisa Soriano - August 17, 2013 - 02:19 PM

Dear Aksyon Line,
Ako po ay si Giovanie Robert Perez, may gusto lamang po akong itanong tungkol sa SSS death benefits ng aking ama na noon lamang pong Agosot 8 pumanaw. Ako poang nag-shoulder ng ibang gastusin gaya po ng funeral
May benepisyo po ba kaming makukuha para ibigay ko na rin sa nanay ko at magamit kahit sa maliit na negosyo para mayroon siyang napaglilibangan lalo’t wala na po siyang katuwang sa buhay mula nang yumao ang aking ama. Sana po ay matulungan ninyo ako. Salamat po sa mga bumubuo ng Aksyon Line sa Inquirer-Bandera.

Robert

REPLY:
Ito po ay bilang tugon sa liham na ipinadala ni Robert kung saan tinatanong niya kung mayroon silang makukuhang benepisyo mula sa SSS dahil sa pagkamatay ng kanyang ama.

Kung ang kanyang ama ay may hulog sa SSS maaari po silang makatanggap ng funeral at death benefit.

Ang funeral benefit ay ibinibigay sa sinumang nagbayad ng pagpapalibing ng member. Kailangan dito ang pinunuang application for funeral benefit, certified true copy o NSO copy ng death certificate ng miyembro, at original official receipt mula sa punerarya.

Samantala kung may naiwang legal na asawa ang namatay na member, mayroon din siyang maaaring makuhang death benefit. Kung ang member ay mayroon hindi bababa sa 36 monthly contributions, ang legal na asawa ay makakatanggap ng lifetime death pension. Ang pension na ito ay matitigil lamang kung mag-aasawang muli ang asawa ng member. Kung mayroon ding minor na mga anak ang member, lehitimo man o hindi, sila ay makakatanggap din ng dependent’s pension hanggang sa sila ay umabot sa 21 years old, mag-asawa, o makapagtrabaho.

Pinapayuhan namin na mag-file si Robert at ang kanyang ina sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS.

Sana po ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Sumasainyo,
MAY ROSE DL
FRANCISCO
SOCIAL SECURITY
OFFICER IV
MEDIA AFFAIRS
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag-
lingkuran sa abot ng
aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City. Maaari rin kayong mag-email sa [email protected]. Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending