Lucky tatay: 7 celebrity daddy na may mga trending anakshie | Bandera

Lucky tatay: 7 celebrity daddy na may mga trending anakshie

Ervin Santiago |June 21,2020
facebook
share this

Lucky tatay: 7 celebrity daddy na may mga trending anakshie

Ervin Santiago - June 21, 2020 - 07:30 AM

MALIGAYANG araw ng mga tatay sa lahat ng amang patuloy na nagsasakripisyo at nagpapakahiral mabigyan lamang ng magandang kinabukasan ang kanilang mga pamilya.

Siguradong maiiba ang selebrasyon ng bawat pamilya ng Father’s Day ngayong taon dahil sa patuloy na banta ng COVID-19 pandemic. Pero kahit ano pa man ang mangyari, tiyak na bidang-bida sa araw na ito ang lahat ng ama sa buong universe.

At bilang bahagi nga ng Father’s Day celebration ngayong araw, naglista kami ng ilang celebrity daddy na may mga anak na kasing-sikat din nila. Sila ang mag-aama na tume-trending sa social media dahil sa kani-kanilang pasabog at paandar.

HAYDEN KHO & SCARLET SNOW

Masasabing daddy’s girl din ang anak nina Hayden at Vicki Belo na si Scarlet na super talented na bata. Sa lahat ng events na pinupuntahan ng bagets, kabilang na ang paggawa ng endorsements, laging present si Hayden.

“Because of you, I shaped up. I became more circumspect about my words and actions, knowing that you’re always listening, always watching. I became more faithful, more prayerful. It’s amazing how God used you to prepare me for you. You’re an angel, my love,” ang mensahe ni Hayden nang masilayan ang kanyang panganay na anak.

DINGDONG DANTES, ZIA & ZIGGY

Tulad ng kanilang amang si Dingdong at inang si Marian Rivera, sikat na sikat na rin ngayon ang magkapatid na Zia ay Ziggy Dantes na nagsisilbing pampa-good vibes ng mga netizens.

Pero inamin ni Dong na natatakot din siya para sa future ng mga anak dahil sa mga nangyayari ngayon sa mundo. Aniya, “To be honest with you, i fear the day that you would be marching towards this new world, this new normal, that we had created for your generation. 

“What’s happening now is a clear manifestation of our actions and inactions— and we are reaping its effects which could benefit a few, but for most…just hard learnings about humanity, the planet and spirituality. But i guess as parents, that’s what we are here for. We are here to prepare you for that jungle out there. Though there is fear, it is also you (and your sister) who give me courage to carry on and strive to make this world a sustainable place to live in. You give me the drive to make me want to be a better version of myself.”

DREW ARELLANO, PRIMO & LEON

Hands on dad din ang TV host sa dalawang anak nila ni Iya Villania. In fact, laging game na game si Drew sa mga paandar ng kanyang mag-iina sa social media na kinagigiliwan naman ng kanilang fans and followers.

“I remember back when I was 30…I think it’s like 10 years ago, I already knew what I wanted to do, not specifically, but I knew what I wanted to become and that’s to be a great father so my life revolved around that objective,” pahayag ni Drew sa isa naming panayam sa kanya.

VIC SOTTO, VICO & TALI

Alam ng buong universe na maraming anak si Bossing pero ang talagang tume-trending lagi ay sina Pasig City Mayor Vico Sotto (anak niya kay Coney Reyes) at Tali (panganay nila ni Pauleen Luna).

Sey ni Bossing sa achievements ni Vico, “I think he’s doing his job. Iyon ang ipinangako niya sa kanyang constituents, na aalagaan sila, and he’s doing a good job.”

Tungkol naman kay Tali, “So itong  quarantine natin ang pinakanakinabang talaga kung tutuusin ay itong batang ito (Tali). Dahil sa darating na pasukan first year high school na ‘to. Sa dami ng natutunan nito.”

NICO BOLZICO & BABY THYLANE

Hindi pa lumalabas ang first born nila ni Solenn Heussaff ay sikat na sikat na ang baby dahil sa kanilang trending vlogs sa YouTube. At nang ipinakilala na nga nila si Baby Thylane sa publiko, mas sumikat pa ang sanggol dahil sa mala-anghel na itsura nito.

“We thought we knew what unconditional love was until you came to our lives!” message ni Nico sa anak kasabay ng kanyang warning sa mga manliligaw kay Thylane. “She calls me #ElPadre, imagine when a boy tries to court her and she tells him: ‘You’ll need to talk to #ElPadre first.’ They won’t even try!” 

PAOLO CONTIS & BABY SUMMER

Bentang-benta sa mga netizens ang mga funny videos ng mag-amang Paolo at Baby Summer. In fact, talagang inaabangan lagi ng social media followers ng Kapuso actor ang kulitan moments nila ng anak, lalo na ang kanilang one-on-one artista training.

At dahil diyan, ngayon pa lang ay marami na ang nagsasabi na magiging magaling ding artista ang bagets tulad ni Paolo at ng mommy niyang si LJ Reyes.

ZOREN LEGASPI, MAVY & CASSY

Tama ang naging desisyon ng Kapuso actor na si Zoren Legaspi na payagan ang kambal na anak na sina Mavy at Cassy na pasukin na rin ang mundo ng showbiz. Kasama sila sa mga young celebrities na nagsisilbing inspirasyon at role model ngayon ng mga kabataan.

Isa sa mga nagmarkang advice ng mister ni Carmina Villaroel sa kanyang twins ay nang mag-18 na ang mga ito. Aniya, “You guys have a long way to go about discovering life. You know, 18 doesn’t mean you guys are tough, you guys are adults.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“You still have to discover so many things about life. So it’s my reminder for them. The number 18 only indicates that you are legally [allowed] to drive and drink liquor by human law… but being 18 is still very young.

“You guys will still need our supervision and lectures about life. Please, don’t change just because you guys are 18. This is your tatay who will always be a tatay to both of you. We dearly love you both, and may God guide this family.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending