WALO ang naaresto sa magkakahiwalay na anti-illegal drug operation ng pulisya sa Quezon City.
Nahuli ng Batasan Police sina Herman Domer, 32, Buenafe Ferialde, 30, ng Brgy. Payatas, alas-11 ng gabi ng Phase 3, Lupang Pangako, Brgy. Payatas. Nakuhanan umano sila ng 14 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P61,200.
Naaresto naman ng Project 4 Police ang magkapatid na sina Jules Macarubbo, 45, at Jason Macarubbo, 47, at ang kasama nilang si Bernadet Salvador, 45, alas-11:55 ng gabi sa Datu Sumakwel st., Brgy. Marilag, Project 4. Narekober umano sa kanila ang walong sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P24,500.
Nasakote naman ng Anonas Police si Jaime Bello Jr., 59, call center agent, at ng Brgy. Pasong Putik, alas-12:30 ng hapon sa tapat ng sari-sari store sa 54 Maningning st., Brgy. Teacher’s Village West. Nakumpiska umano sa kanya ang pitong sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P13,600.
Galas Police naman ang umaresto kay Jaymark Pablo, 33, alas-4:30 ng hapon sa E. Rodriguez Sr., Blvd., Brgy. Damayan Lagi. Nakuha umano sa kanya ang P2,040 halaga ng shabu.
Nahuli rin nila si Jann Elsen Lacdao, 41, alas-10:35 ng gabi matapos umanong lagpasan ang checkpoint sa Welcome Rotonda, Brgy. Don Manuel.
Hinabol ng mga pulis ang suspek na nahuli makalipas ang ilang minuto. Nakuhanan umano siya ng dalawang sachet ng shabu at kinumpiska ang minamaneho nitong motorsiklo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.