Alden nabiktima rin ng sindikato sa FB; ginamit ang litrato para makapanloko
NADAGDAG sa listahan ng local celebrities ang Pambansang Bae na si Alden Richards sa mga bagong biktima ng sindikato sa social media.
Mismong ang Kapuso Drama Prince ang nagbigay ng warning sa lahat ng kanyang fans and supporters tungkol sa pekeng Facebook page na nanloloko ng mga inosenteng netizens.
Ginagamit ng nasabing fake FB account ang pangalan ni Alden at ang pagiging kilalang gamer niya para kumita ng pera mula sa mga taong kakagat sa kanilang modus operandi.
Sa kanyang Twitter account, nakiusap ang Asia’s Multimedia Star sa milyun-milyon niyang followers na i-report ang nasabing pekeng account.
Ipinost ng binata ang screenshot ng isang post ng nasabing account kung saan nakalagay ang “AR Gaming” na siyang gamertag name ng Kapuso hunk. Bukod dito, ginamit din ng fake FB page ang litrato ni Alden bilang profile photo.
Naka-post dito ang mensaheng, “Strengthen the support for ALDEN RICHARDS GAMING CAREER while establishing HELPING HANDS FOR THE LESS FORTUNATE.
“HELP ONE ANOTHER! Save the poorest of the poor especially those who are living on the streets only.
“Proceeds of this page will be used to help less fortunates! Please help me like, share, and follow the page.”
Ni-repost ito ni Alden sa Twitter at nilagyan ng caption na, “Fake account please report. [praying hands emoji].”
Agad namang nag-reply ang followers ni Alden at mabilis na ini-report ang fake FB page. Tagumpay naman ang mga netizens dahil burado na sa ngayon ang fake AR Gaming account.
Sa mga hindi pa aware, base sa Facebook rules, posibleng magka-chance ang isang FB accout na ma-monetize o kumita ng pera sa pamamagitan ng digital ads kapag meron na itong mahigit 10,000 likes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.