WALANG nakikitang malawakang galawan sa mga posisyon si Speaker Alan Peter Cayetano kapag bumaba na ito sa posisyon bago matapos ang taon.
Sa panayam kahapon, sinabi ni Cayetano na nakikipag-usap na ito sa mga suporter ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco para sa pagpapalit ng liderato bilang pagsunod sa pahayag ni Pangulong Duterte na siya ang unang uupo pero 15 buwan lamang magtatagal sa posisyon.
Papalitan siya ni Velasco na 21 taon namang uupo. Hindi naman mapapalitan si Leyte Rep. Martin Romualdez na kasali rin sa speakership race at ginawang House Majority Leader.
“….also I’ve been communicating doon sa mga supporters ni Cong. Velasco na ang usapan, ang magpapalit lang, ako lang at saka ‘yung (chairman ng) accounts,” ani Cayetano sa panayam matapos ang turnover ceremony ng mga donasyon ng House of Representatives sa Armed Forces of the Philippines.
Inamin ni Cayetano na asiwa na sagutin ang tanong ng media ngayon kaugnay ng politika dahil sa dami ng kinajaharap na problema ng mga Filipino.
“Having said that, I can tell you very honestly, asiwa talaga pag-usapan ang pulitika at this point in time because people are hurting eh, may it be mental health, may it be kalam ng tiyan, may it be ‘yung physical toll of being able to commute when there’s no—there’s very little public utilities di ‘ba.”
Ayaw ding sagutin ni Cayetano kung maaapektuhan ng pagpapalit ng liderato ang magandang ipinakita ng Kamara sa ilalim ng kanyang pamumuno.
“Well, this Congress has accomplished much much much more than previous Congresses–not to diminish the significant achievement of other Congresses. This Congress turns out to be a wartime Congress because we are at war with the new coronavirus or COVID-19. So no one can see the future and it would be unfair to me to say na maaapektuhan o hindi maaapektuhan kasi self-serving eh. Sasabihin ng iba, “well ikaw ang nandyan so you think you can do better.” So what’s important for me is to prepare the transition, make sure malakas ‘yung mga chairmanship.”
Aniya, iiwan naman niya si Romualdez na ginawa nitong co-chairman of the Defeat COVID-10 committee na siyang nangangasiwa sa mga panukalang batas para labanan ang coronavirus disease 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.