Libong empleyado sa aviation sector tatanggalin sa trabaho
MAHIGIT 1,000 empleyado ng ground handling unit ng Cebu Pacific ang aalisin sa trabaho upang mabawasan ang gastos nito.
Ayon sa 1Aviation Groundhandling Services Corp. kinailangan ang pagtatanggal para sa “survival” nito dahil sa patuloy na epekto ng coronavirus disease 2019 sa aviation industry.
Ang mga empleyado ay hanggang Hulyo 20.
Ang Cebu Pacific ay part owner ng 1Aviation na pagmamay-ari ng Philippine Airport Ground Support Solutions Inc.
Noong Abril ay nag-alis na rin ang 1Aviation ng 400 empleyado na karamihan ay check-in at boarding gate agents at baggage handlers kasunod ng pagdedeklara ng lockdown sa Luzon.
Nagtanggal na rin ng mga empleyado ang Philippine Airlines at AirAsia Philippines.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.