Tambalang Andre-Mikee may kakaibang magic; Katrina super loyal sa GMA | Bandera

Tambalang Andre-Mikee may kakaibang magic; Katrina super loyal sa GMA

Ervin Santiago - June 19, 2020 - 12:44 PM

MANANATILING loyal si “Prima Donnas” star Katrina Halili sa GMA Network dahil sa walang-sawa at buo nitong pagsuporta magmula nang pumasok siya sa showbiz industry.

“Alam naman po nating lahat na sa GMA po ako nagsimula at hanggang ngayon, buong-buo po ang pagtitiwala nila sa akin sa bawat project po na ibinibigay po nila. 

“Sobrang thankful po ako sa GMA dahil sa growth ko bilang isang artista at sobrang thankful din po ako na mabigyan ng chance na makapag-entertain ng mga fellow Kapuso natin,” chika ng Kapuso sexy actress.

Ayon pa kay Kat, ang proudest Kapuso moment niya ay tuwing napapanood sa ibang bansa ang mga shows ng GMA 7 at mas maraming nakaka-appreciate ng gawa at tatak-Kapuso. 

“Bawat role na ginagampanan ko ay ipinagmamalaki ko lalo na kapag sinusuklian ‘to ng malaking pagtanggap po ng viewers,” dagdag pa ng aktres.

Samantala, mapapanood na ang inaabangang reunion ng cast ng top-rating GMA Afternoon Prime series na “Prima Donnas” mamayang hapon, 5 p.m, sa official social media accounts ng GMA Network.

 Makikipagkulitan at kumustahan ang stars sa bawat isa kasama ang netizens sa isang fun at exciting na livestream. 

                         * * *

Hindi nakalagpas sa libu-libong netizens ang kakaibang chemistry nina “Encantadia” stars Mikee Quintos at Andre Paras sa two-part vlog ng Kapuso actor kung saan special guest nito ang dalaga. 

Sa isang panayam, inilahad ng dalawa kung gaano nga ba sila ka-close sa isa’t isa. 

Kapansin-pansin naman ang natural na kulitan at pagiging kumportable nina Andre at Mikee sa gitna ng interview.

Isa sa mga napag-usapan ay ang post-ECQ hairstyle ni Andre, mula kasi sa kanyang balbas-saradong look ay clean cut na ito na ginupit pa mismo ng inang si Jackie Forster. 

Biro ni Andre, paghahanda raw talaga n’ya iyon para sa interview nilang dalawa ni Mikee.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Inamin naman ng Kapuso actress na nagustuhan nito ang new look ng binata, “Gusto ko, ang linis tingnan.” 

Samantala, binanggit din ni Andre na noon pa man ay magaan na talaga ang loob nila sa isa’t isa, “It’s more of ‘di na kami nagbaba-bye, hinihintay na lang namin na lumaylay ‘yung conversation which never happens so very rare lang ‘yon.”p

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending