Amilyar sa QC pwede nang bayaran online | Bandera

Amilyar sa QC pwede nang bayaran online

Leifbilly Begas - June 14, 2020 - 12:55 PM

Quezon City

MAAARI nang magbayad ng amilyar o Real Property Tax (RPT) ng hindi pumupunta sa Quezon City Hall.

Sa inilabas na advisory ng city government, maaari na umanong magbayad ng RPT online.

Kailangan lamang gumawa ng account sa qcservices.quezoncity.gov.ph

Pumunta sa tab ng RPT Payment at ipasok ang Tax declaration Number ng ari-arian na babayaran ang amilyar. Makikita na rin dito kung magkano ang babayaran.

Maaaring mamili kung ang nais na bayaran ito ng quarterly o annual (full).

Sumunod na pindutin ang Online Transfer o mag-deposit sa account ng QC sa Land Bank of the Philippines.

Makatatanggap ng reference number kung saan makikita kung magkano ang babayaran.

Maaaring magbayad sa pamamag8tan ng online transfer o mag-deposito sa anumang branch ng Land Bank.

Ang kopya ng deposit slip o proof of payment ay maaaring ipadala online kasama ang reference number sa [email protected]

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending