Daan-daang kahon at plastic bag ng gamot, medical supplies nasamsam
SINALAKAY ng otoridad ang kahon-kahong Chinese medicine at medical supplies na nakatago umano sa ginagawang gusali sa Parañaque City kanina.
Mayroon umanong natanggap na impormasyon ang pulisya kaugnay ng kahina-hinalang ginagawa sa ikalawang palapag ng Diamond Bay Tower sa Roxas Boulevard, Brgy. Baclaran.
Kasama ang City Health Office at Business Permit and Licensing Office (BPLO) sinalakay ng pulisya ang lugar dala ang search warrant na ipinalabas ni Judge Noemi Balitaan ng Regional Trial Court branch 258 ng Paranaque City.
Nasa 237 kahon at plastic bag umano ng mga gamot at medical supplies ang nasamsam alas-12 ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.