SWS: Maraming Pinoy nahirapan sa kawalan ng public transport, pagsasara ng mga negosyo, tindahan
NAGING pahirap sa maraming Filipino ang kawalan ng masasakyan at pagsasara ng mga negosyo at tindahan ayon sa survey ng Social Weather Station.
Ayon sa 77 porsyento sila ay talagang nahirapan at medyo nahirapan ang kanilang pamilya sa kawalan ng masasakyang bus, jeep at tricycle.
Nahirapan naman ng kaunti at hindi nahirapan ang 22 porsyento.
Walang sariling sasakyan ang 47 porsyento. At ang 53 porsyento naman ay may four-wheeled vehicle (kotse, jeepney at e-jeepney), 12 porsyento ang my three-wheeled vehicle (tricycle, e-trike), at 30 porsyento ang may motorsiklo at 11 porsyento ang may bisikleta.
Sa tanong kaugnay ng pagsasara ng mga negosyo at tindahan, 80 porsyento ang talagang nahirapan at medyo nahirapan.
Nahirapan ng kaunti at hindi nahirapan ang 20 porsyento.
Ginawa ang survey mula Mayo 4-10. Kinuha ang opinyon ng 4,010 respondents sa pamamagitan ng mobile phone at computer assisted telephone interview.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.