Catriona, Pia binugbog ng bashers sa pagsuporta sa #JunkTerrorBill | Bandera

Catriona, Pia binugbog ng bashers sa pagsuporta sa #JunkTerrorBill

Reggee Bonoan - June 05, 2020 - 09:18 AM

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA kahapon tungkol sa pagkontra nina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa pagsasabatas ng Anti-Terrorism Bill.

Kung si Rep. Vilma Santos-Recto ay nabatikos nang todo dahil sa pagboto ng “yes” sa Anti-Terrorism Bill, naba-bash naman ang dalawang beauty queen ngayon dahil sa pagsuporta nila sa #JunkTerrorBill.

Binabanatan sina Catriona at Pia ng ilang netizens at sinabihang wala naman silang alam sa tunay na estado ng problema ng bansa sa banta ng terorismo. Dapat lang daw na isabatas na ang anti-terror bill bago pa mahuli ang lahat.

Ayon sa netizen na si Danny Timbol, “May mga tao na hindi mulat sa salot na terorismo. Huwag sana naman kailanganin pa ang makuha kayo ng Abu Sayaf, NPA at similarly minded groups. Di n’yo kasi alam ang nakuhanan ng anak ng NPA!”

Hirit ni Arah Magallanes, “Di n’yo kasi naranasan na pestehin ng mga NPA ehh noh? Pupuntahan ka sa inyo tapos hihingi ng bigas, manok, prutas at kung anu-ano pa. Sila na nga nahingi, tatakutin ka pa na susunugin ‘yung sasakyan na gamit nyo sa kabuhayan.”

Pahayag ni Ranreb Mendez, “Wala akong pake kung ayaw n’yo basta ako pabor. para ito sa proteksyon. ‘Wag kayung humingi ng tulong sa gobyerno pag kayo ang inabuso.”

Sabi naman ni Castor Aguda, “No problem about that, there’s no beauty in terrorism!”

May mga nagtanggol naman sa dalawang beauty queen tulad ni Jacinto Meman, “If you were not yet at least 10 years old during the martial law you don’t know what it is to be incarcerated without any reason. So don’t tell me that this anti-terrorism bill not be abused by the powers that be. May safeguards ba para hindi ito maabuso?”

Pero wala na rin namang magagawa sina Catriona at Pia dahil aprubado na ang panukalang-batas sa Kongreso at Senado at pirma na lang ni Presidente Rodrigo Duterte ang hinihintay para maipatupad ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending