NASUNOG ang isang residential area sa unang araw nang pagpapatupad ng general community quarantine (GCQ) sa Makati City.
Ayon sa Makati City Fire Department and Protection, nangyari ang sunog sa isang residential area sa kahabaan ng Kalayaang Avenue, Brgy. Pinagkaisahan ng nabanggit na lungsod ngayong umaga
Dikit-dikit ang mga bahay na pawang gawa sa light materials kaya mabilis na kumalat ang apoy.
Lumalabas sa report na umabot sa ikalawang alarma ang sunog hanggang sa idineklarang kontrolado ito alas-7:45 ng umaga.
Wala namang napaulat na may nasaktan sa insidente at iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang pinagmulan ng apoy at kung magkanong halaga ng mga ari-arian ang napinsala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.