Rochelle tagumpay sa pagbe-bake: Pero pag-check ng asawa ko wala na ang bread!
HUGOT kung hugot ang Kapuso actress-dancer na si Rochelle Pangilinan sa sinapit ng ginawa niyang tinapay kamakailan.
Isa si Rochelle sa mga celebrities na maraming natutunang gawin sa bahay habang naka-lockdown ang bansa dahil sa ipinatutupad na community quarantine.
Isa na nga riyan ang pagbe-bake at pagluluto ng iba’t ibang putahe. Sa
kanyang Instagram post, ibinandera ni Rochelle ang ipinagmamalaki niyang tinapay na ginawa niya for the first time.
Caption ng misis ni Arthur Solinap sa ipinost na litrato ng kanyang na-bake, “First time kong gumawa ng bread! Sa picture na to ay tuwang tuwa ako!
“Wala akong bread pan, kaya kung ano lang lagi available na gamit sa bahay yun ang ginagamit ko, kaya ganyan ang size nya.”
Dagdag pa niya, “Mukhang masarap at successful naman ako, kaya nilagay ko sa dining table para palamigin bago hiwain.
“Pag check ng asawa ko @arthursolinap wala na ang bread, nawala sa isip ko pagala-gala nga pala ang mga alaga naming sina Argus at Mishka. Alam n’yo na nangyari!” aniya pa na ang tinutukoy ay ang kanilang mga pet.
Hugot pa ni Rochelle, “Gumawa ulit ako ng panibago successful ulit!
“Kahit sa buhay, ganun lang lagi… kapag nadapa bangon lang besh! #dahilsatinapayHugotbesh.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.