Mag-asawang magka-angkas mas maliit ang tyansa na ma-COVID kesa sumakay sa PUV
NADAGDAGAN pa ang panawagan na payagang magka-angkas sa motorsiklo ang mga mag-asawa.
Ayon kay Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo naiintindihan nito ang ginawang pagbabawal ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa magka-angkas sa motorsiklo para masunod ang social distancing.
“But if they can sleep together, dine together, why can’t they travel together?” tanong ni Castelo. “I think the government should not apply the ban on married couples riding together using their motorcycle as means of transportation in going to their workplaces or to the grocery store to buy household essentials.”
Maaari umanong pakuhanin ng sertipikasyon ang mag-asawa sa kanilang barangay bilang patunay na sila ay mag-asawa at pagdalahin din ng kopya ng kanilang marriage certificate na maipakikita sa checkpoint.
Ayon kay Castelo maraming mag-asawa na isa lamang sa kanila ang nakakapasok sa trabaho dahil bawal ang angkas.
Daragdag din umano ang kabiyak na hindi maiaangkas sa bilang ng mga sasakay sa mga pampublikong sasakyan na limitado ang kapasidad.
“With half of their seats vacant due to the physical distancing requirement, buses and the train system in Metro Manila will not be enough to ferry employees and workers,” dagdag pa ng lady solon.
Magiging isang hamon din umano ang pagpapatupad ng social distancing sa mga bus lalo na sa mga nagmamadaling makasakay upang hindi mahuli sa trabaho.
Kung susuriin ay mukhang mas maliit pa umano ang tyansa na mahawa ng coronavirus disease 2019 ang mag-asawa na magka-angkas sa motorsiklo kaysa sumakay ng pampublikong sasakyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.