Paandar nina Mikael at Megan patok sa foreigners; Migo mag-isang na-lockdown sa HK | Bandera

Paandar nina Mikael at Megan patok sa foreigners; Migo mag-isang na-lockdown sa HK

Ervin Santiago |May 30,2020
facebook
share this

Paandar nina Mikael at Megan patok sa foreigners; Migo mag-isang na-lockdown sa HK

Ervin Santiago - May 30, 2020 - 08:53 AM

ISANG araw bago ipatupad ang enhanced community quarantine sa bansa ay lumipad pa-Hong Kong ang Kapuso hunk na si Migo Adecer. 

At doon na nga siya inabutan ng lockdown. “Nandito ako sa Hong Kong. Lately, I came out here and had a coffee or just breathe without the mask,” ani Migo. 

Hindi naman alintana ni Migo ang pagsasara ng mga gym bilang pag-iingat sa COVID-19 dahil patuloy pa rin siya sa pagpapanatili ng kanyang healthy lifestyle.

“I started doing this thing called madfit. You can do it at home. You don’t need any equipment at all, just body workout,” aniya.

Aminado naman si Migo na nahihirapan pa rin siyang mag-adjust na mamuhay mag-isa kahit na matagal na itong bumukod mula sa kanyang magulang. 

Laking pasasalamat na lang daw ni Migo na maraming social media apps ngayon na tumutulong upang maibsan ang physical distance mula sa ating mga mahal sa buhay. 

Habang tigil muna sa taping ang “Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday” cast, mapapanood sina Migo, Barbie Forteza, Kate Valdez at Benedict Cua sa masasaya at relatable vlogs tuwing Lunes, simula ngayong Hunyo 1, 8 p.m., sa official social media pages ng GMA Network.

* * *

Dahil mahigpit pa ring ipinagbabawal ang paglabas-pasok ngayon ng bansa bunsod ng COVID-19 pandemic, masayang balikan ang nakalipas na travel vacations para pangtanggal inip habang naka-quarantine. 

Sa recent YouTube vlog ng Kapuso couple na sina Mikael Daez at Megan Young, muling sinariwa ng dalawa ang kanilang trip sa Fukuoka, Japan noong November 2019 kung saan nagtampisaw si Megan sa isang “onsen” o Japanese hot spring at nag-try ng iba’t ibang local cuisines. 

Dahil parehas na pet at coffee lovers, pinuntahan din nina Megan at Mikael ang isang cat café na may sangkaterbang cute na mga pusa.

 

Natuwa naman ang netizens sa vlog ng dalawa na pampatanggal stress at boredom daw sa gitna ng quarantine. Comment ng isang fan, “My favorite couple. All vlogs and videos you shared since day 1 up to now I never get tired of rewatching it. Everytime you have new vids I’m so excited to watch it!” 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Umabot pa nga sa international audience ang vlogs ng Kapuso couple, “I can’t get enough of you two. Step daughters got me knowing you. Love from Kenya.” 

Samantala, magbabalik-telebisyon naman si Megan sa pagbibidahang GMA series na “Legal Wives” kasama si Dennis Trillo habang si Mikael ay tigil naman muna sa taping ng “Love of my Life” na pansamantalang pinalitan ng “My Husband’s Lover” sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending