Ruby nakalabas na ng ospital; naiyak sa pa-surprise ng anak
FINALLY, nakauwi na sa kanilang tahanan ang TV host-comedienne na si Ruby Rodriguez matapos ma-confine ng ilang araw sa ospital.
Naging emosyonal ang komedyana nang muling makita ang kanyang anak na may pa-surprise pa para sa kanyang pag-uwi.
Na-discharge si Ruby sa ospital makalipas ang isang linggong pagkaka-confine sa Manila Doctors Hospital due to stomach pain.
Ayon sa Eat Bulaga host, kailangan pa ring obserbahan ang kanyang health condition kahit nasa bahay na siya dahil sa “mass” na natagpuan sa kanyang tiyan.
Mensahe ni Ruby sa kanyang mga kaibigan at Instagram followers, “Finally out of the hospital! Still need 2 weeks of meds but Feeling so much better. All procedures (thumbs up), hope nothing comes bad with biopsy.”
Ibinahagi rin ng TV host ang welcome note na ginawa ng anak niyang si AJ para sa pag-uwi niya sa bahay.
“Anyhoo, coming home to this posted on my bedroom door made me think 1000x on getting better. Love you Aj, you really know how to make me cry and smile at the same time!!” caption ni Ruby sa kanyang IG post.
Isinugod sa ospital ang komedyana nitong nagdaang May 20 matapos makaranas ng abdominal pain.
Kinumusta si Ruby ng dating EB host at kaibigan niyang Ruby si Isabelle Daza sa pamamagitan ng IG, tugon niya, “I will have my procedure tomorrow. Sana putulin na stomach ko for me to be payat.”
Isang follower naman niya sa IG ang nagsabing sasailalim din siya sa stomach procedure na tinatawag na Bariatric Surgery kasabay ng pagbibigay ng lakas ng loob kay Ruby sa pinagdaraanang pagsubok.
Reply sa kanya ng EB Dabarkads, “I’m not doing that. I have a mass in my stomach that needs to be taken out.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.